Saturday, April 30, 2011

Herbie.(part. 5)

    Heyy! I'm back, sorry kung matagal kung bago ako makapag-post kasi pumunta ako sa Parañaque city nan dun ako almost two weeks ata?? i guess?? kasi hindi ko bilang yung days. Pero I'm back and I will post of my stories again. And nagkaroon ako ng isang bagong follower sana magustuhan niya 'to. Welcome to my blog.

-------------------------------------

Herbie (part. 5)

Kinabukasan ay ganun na naman ang set up naming ni Rob, magkasabay kame sa pagpasok at pag-uwe hanggang sa madalas na kame magsabay sa pag-pasok at pag-uwe. Sa ganoon kame naging close lalo sa isa’t-isa at para na kaming magboyfriend sa sobrang close namin sa isa’t-isa, dahil dun hindi kame kailangang hindi kame pag-usapan sa school, tingnan mo High school student pa lang may mga tsismiso’t tsismosa na paano pa kaya pag naging kame lalo na. Kaya hindi tuloy makipagsapakan ni Rob sa mga naninira sakin, kaya naman todo support ako sa kanya pag napupunta siya sa prefect of discipline kasi tatlong araw na lang at gagraduate na kami.


Isang araw habang nagbabasa ako sa may malaking puno sa school, sport’s day namin yun kaya naman may freedom kame kung saan pumunta pero hihdi pwedeng lumabas, habang nagbabasa ako may nagtakip ng mata ko akala ko si Rob.


“Rob?” tanong ko.

Mali” sabi nito, “sino naman yun Jonathan Manalastas Valenzuela?” dugtong pa nito, ‘yan tuloy nalaman niyo na ang buong pangalan ko. Hehe.

Sa boses ko siya na-identify.

“kilala ko na!” sabi ko, “Joe Protacio Y Rivera Jr.!” banggit ko ng buo niyang pangalan.

“May tama ka! Grabe a alam na alam!” sabe nito at tinanggal na ang pagkakatakip ko sa mata at tumabi na sa akin.

“Ano ginagawa mo dito? Kelan ka umuwe?Sino kasama mo? Long time no see a! kamusta ka na?” sunod-sunod kong tanong.


“Kakauwe ko lang kagabi galing states. Dapat nga pupuntahan kita pagkauwe ko e, kaso naisip ko na you’re already asleep na kaya pinagpabukas ko na lang! Actually dito na ako magkacollege.” sagot niya sa mga tanong ko.


“A okay, grabe ginulat mo ako!” sabe ko.

Si Joe Protacio Y Rivera Jr. ay kababata ko, yung mga parents namin ay magkaibigan kaya close kame sa isa’t-isa.

“Grabe alam na alam mo pa rin ang buo kong pangalan, sa tagal nating di nagkita ay kala ko kinalimutan  mo na ako!” sabe niya na nakangiti.


“Siyempre parang kapatid na kita eh, maari ba naman kitang kalimutan??” Sabe ko sa kanya, “Almost 8 years mula nung umalis ka ay hindi pa rin kita nakakalimutan noh!”


“Wala ka paring pagbabago CUTE ka pa rin tumangkad ka lang!” sabe niya na nakatitig sa akin at nakangiti ng matamis na matamis.


“Siguro!” sabi ko na gumanti sa kanya ng ngiti, “Lalo na ikaw ang laki na ng pinagbago mo ang gwapo mo na a! Panigurado may GIRLFRIEND ka na niyan!”


“Wala no!” medyo malakas na tono ang boses niya.

“Weeeeeeeh! Di nga?? Sa gwapo mong yan?? Impossible na walang magkakagusto sayo?!” sabe ko sa kanya.


“Promise wala pa!” sabe niya.


“Musta ka naman ?” sabay tanong niya.


“Eto cute pa din!” biro kong sagot sa kanya.


“Mukha nga!” sabe niya sabay tawa kameng dalawa.


“Sige na! Alis ka na! Baka pinapabalik na kames a room kasi 5 mins. Na lang at magbebell na!” sabe ko sa kanya.

“Sige! Sabay na tayo umuwe ah! Kasi kakain tayo sa labas! Ililibre kita” Paanyaya niya sa akin.

“O sige!” pumayag na ako tutal absent naman si Rob.


*RIIIIIIINNNNNGGGGG.


Uwian na at pinuntahan ko na si joe sa labas.

“O! Tara na! So saan tayo kakain?”

“Edi san pa!? Sa paborito mong kainan!”

“Saan?” tanong ko kasi hindi ko na maalala.

“Yung malapit na kainan sa amin! Naku naku ulayanin ka na?”

“AA! Yung karinderya ni ate letty!”

“AA!” sabay tawa, “tara na nga!”

Umalis na kame at nakapunta na nga kame sa karinderya ni ate letty. Ngulat ako ang laki na ng karinder ya niya UMASENSO na si ate letty.

Umupo na kami at umorder ng dalawang tapsilog paborito naming yun ni Joe nung mga bata pa kami, nag-usap kame tungkol sa nangyari sa akin at sa kanya.

Nauna siyng natapos sakin kaya habang kumakaen ako ay tinititigan niya ako kaya gindi ako makakain ng ayos.


“Grabe ka naman makatingin diyan! Ano bang meron sa mukha ko? Baka mainlab ka na sakin niyan!” sabe ko sa kanya.


“Wala! Kase ang cute mo pa din jon!” papuri nito sa akin at nakuli na niya ang mata ko kaya hindi na ako makaalis sa tingin niya, “Wala ka pa ring pinagbago cute, mabait, at palangiti pa rin, tumangkad ka lang!” sabay ngiti.


Nginitian ko lang siya sa mga pinagsasabe niya tapos ay tinapos ko na ang pahkain ko.


“Anlaki na ng pinagbago mo Joe?” sabe ko sabay inom ng tubig.


“Pano mo nasabi?” tanong niya.


“Kasi ang gwapo mo na, nawala na yung pagka-nerdy mo dati.” Sabay tawa ng mahina.


“Siyempre!” sabi at nagmamayabang na tono ang boses.


“Yabang a!” biro kong sabi.


“Bakit?? Ayaw mo ba ang nakikita mong Joe ngayun??” sabi nito na seryoso na ang mukha.


“Siyempre gusto ko noh!” sabe ko sa kanya.


“So!?? Pwede na ako??” tanong niya na seryoso ang mukha.


“Kanino naman?” medyo nagulat ako sa sinabi niya, kinakabahan ako sa sagot niya.

“SAYO!?” sagot niya na super seryoso ang mukha.


SHEEEET. Sabi ko sa sarili ko, parang nabingi ang tenga ko sa nadinig.


“Ano na naman ba yang kalokohan mo?” sabe ko na lang dahil wala na akong masabe sa nadinig ko sa sinabe niya.


“Oo nga! Kung pwede na ako sayo? Kung pwede ako manligaw?” sabi pa niya na walng paligoy-ligoy pa.


“huh? Aa… ee…” wala akong masabi kaya yun na lang ang nasambit ko.


“Okay sige! Hintayin ko na lang yung sagot mo.” Sabi niya.


“Ah… okay.” Sabe ko.


Tara na! Uwe na tayo gabe na oh!” sabe niya at tumayo na kame para pumunta sa kotse niya at para makauwe na kame.


Habang nasa kotse niya ay walang kibuan, walang  ni salitang maririnig sa loob ng kotse hanggang sa makarating na kame sa bahay ko, pababa na ako ng pigilan niya ako at bigla niya akong sinunggaban ng halik sa pisngi.

“Hala! Gago ka ba?” yun na lang ang nasabe ko at bigla kong natakpan ang bibig ko nabigla sa sinabe ko.


Natawa siya ng mahina, “Hindi naman! Bakit?” sabe niya na nakangiti.


“E bakit mo ginawa yun? Bakla ka ba?” sabe ko na nakangiti unti.

“Hindi! Gusto lang kita halikan!” sabe niya na nakangiti pa rin, “Parang sa pisngi lang eh. Buti sana kung sa labi noh!”


“Kahit na!” katwiran ko.


“Okay!” sabe niya.


“Sige na ‘buh-bye’ na!” sabe at bumaba na sa kotse niya.


Nasa gate na ako ng may narinig akong boses.


“Sino yun?” sabe nito.


At parang kilala ko ang boses na yun.
--------------------------------
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayari sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.

No comments:

Post a Comment