Saturday, April 30, 2011

Herbie.(part. 5)

    Heyy! I'm back, sorry kung matagal kung bago ako makapag-post kasi pumunta ako sa ParaƱaque city nan dun ako almost two weeks ata?? i guess?? kasi hindi ko bilang yung days. Pero I'm back and I will post of my stories again. And nagkaroon ako ng isang bagong follower sana magustuhan niya 'to. Welcome to my blog.

-------------------------------------

Herbie (part. 5)

Kinabukasan ay ganun na naman ang set up naming ni Rob, magkasabay kame sa pagpasok at pag-uwe hanggang sa madalas na kame magsabay sa pag-pasok at pag-uwe. Sa ganoon kame naging close lalo sa isa’t-isa at para na kaming magboyfriend sa sobrang close namin sa isa’t-isa, dahil dun hindi kame kailangang hindi kame pag-usapan sa school, tingnan mo High school student pa lang may mga tsismiso’t tsismosa na paano pa kaya pag naging kame lalo na. Kaya hindi tuloy makipagsapakan ni Rob sa mga naninira sakin, kaya naman todo support ako sa kanya pag napupunta siya sa prefect of discipline kasi tatlong araw na lang at gagraduate na kami.


Isang araw habang nagbabasa ako sa may malaking puno sa school, sport’s day namin yun kaya naman may freedom kame kung saan pumunta pero hihdi pwedeng lumabas, habang nagbabasa ako may nagtakip ng mata ko akala ko si Rob.


“Rob?” tanong ko.

Mali” sabi nito, “sino naman yun Jonathan Manalastas Valenzuela?” dugtong pa nito, ‘yan tuloy nalaman niyo na ang buong pangalan ko. Hehe.

Sa boses ko siya na-identify.

“kilala ko na!” sabi ko, “Joe Protacio Y Rivera Jr.!” banggit ko ng buo niyang pangalan.

“May tama ka! Grabe a alam na alam!” sabe nito at tinanggal na ang pagkakatakip ko sa mata at tumabi na sa akin.

“Ano ginagawa mo dito? Kelan ka umuwe?Sino kasama mo? Long time no see a! kamusta ka na?” sunod-sunod kong tanong.


“Kakauwe ko lang kagabi galing states. Dapat nga pupuntahan kita pagkauwe ko e, kaso naisip ko na you’re already asleep na kaya pinagpabukas ko na lang! Actually dito na ako magkacollege.” sagot niya sa mga tanong ko.


“A okay, grabe ginulat mo ako!” sabe ko.

Si Joe Protacio Y Rivera Jr. ay kababata ko, yung mga parents namin ay magkaibigan kaya close kame sa isa’t-isa.

“Grabe alam na alam mo pa rin ang buo kong pangalan, sa tagal nating di nagkita ay kala ko kinalimutan  mo na ako!” sabe niya na nakangiti.


“Siyempre parang kapatid na kita eh, maari ba naman kitang kalimutan??” Sabe ko sa kanya, “Almost 8 years mula nung umalis ka ay hindi pa rin kita nakakalimutan noh!”


“Wala ka paring pagbabago CUTE ka pa rin tumangkad ka lang!” sabe niya na nakatitig sa akin at nakangiti ng matamis na matamis.


“Siguro!” sabi ko na gumanti sa kanya ng ngiti, “Lalo na ikaw ang laki na ng pinagbago mo ang gwapo mo na a! Panigurado may GIRLFRIEND ka na niyan!”


“Wala no!” medyo malakas na tono ang boses niya.

“Weeeeeeeh! Di nga?? Sa gwapo mong yan?? Impossible na walang magkakagusto sayo?!” sabe ko sa kanya.


“Promise wala pa!” sabe niya.


“Musta ka naman ?” sabay tanong niya.


“Eto cute pa din!” biro kong sagot sa kanya.


“Mukha nga!” sabe niya sabay tawa kameng dalawa.


“Sige na! Alis ka na! Baka pinapabalik na kames a room kasi 5 mins. Na lang at magbebell na!” sabe ko sa kanya.

“Sige! Sabay na tayo umuwe ah! Kasi kakain tayo sa labas! Ililibre kita” Paanyaya niya sa akin.

“O sige!” pumayag na ako tutal absent naman si Rob.


*RIIIIIIINNNNNGGGGG.


Uwian na at pinuntahan ko na si joe sa labas.

“O! Tara na! So saan tayo kakain?”

“Edi san pa!? Sa paborito mong kainan!”

“Saan?” tanong ko kasi hindi ko na maalala.

“Yung malapit na kainan sa amin! Naku naku ulayanin ka na?”

“AA! Yung karinderya ni ate letty!”

“AA!” sabay tawa, “tara na nga!”

Umalis na kame at nakapunta na nga kame sa karinderya ni ate letty. Ngulat ako ang laki na ng karinder ya niya UMASENSO na si ate letty.

Umupo na kami at umorder ng dalawang tapsilog paborito naming yun ni Joe nung mga bata pa kami, nag-usap kame tungkol sa nangyari sa akin at sa kanya.

Nauna siyng natapos sakin kaya habang kumakaen ako ay tinititigan niya ako kaya gindi ako makakain ng ayos.


“Grabe ka naman makatingin diyan! Ano bang meron sa mukha ko? Baka mainlab ka na sakin niyan!” sabe ko sa kanya.


“Wala! Kase ang cute mo pa din jon!” papuri nito sa akin at nakuli na niya ang mata ko kaya hindi na ako makaalis sa tingin niya, “Wala ka pa ring pinagbago cute, mabait, at palangiti pa rin, tumangkad ka lang!” sabay ngiti.


Nginitian ko lang siya sa mga pinagsasabe niya tapos ay tinapos ko na ang pahkain ko.


“Anlaki na ng pinagbago mo Joe?” sabe ko sabay inom ng tubig.


“Pano mo nasabi?” tanong niya.


“Kasi ang gwapo mo na, nawala na yung pagka-nerdy mo dati.” Sabay tawa ng mahina.


“Siyempre!” sabi at nagmamayabang na tono ang boses.


“Yabang a!” biro kong sabi.


“Bakit?? Ayaw mo ba ang nakikita mong Joe ngayun??” sabi nito na seryoso na ang mukha.


“Siyempre gusto ko noh!” sabe ko sa kanya.


“So!?? Pwede na ako??” tanong niya na seryoso ang mukha.


“Kanino naman?” medyo nagulat ako sa sinabi niya, kinakabahan ako sa sagot niya.

“SAYO!?” sagot niya na super seryoso ang mukha.


SHEEEET. Sabi ko sa sarili ko, parang nabingi ang tenga ko sa nadinig.


“Ano na naman ba yang kalokohan mo?” sabe ko na lang dahil wala na akong masabe sa nadinig ko sa sinabe niya.


“Oo nga! Kung pwede na ako sayo? Kung pwede ako manligaw?” sabi pa niya na walng paligoy-ligoy pa.


“huh? Aa… ee…” wala akong masabi kaya yun na lang ang nasambit ko.


“Okay sige! Hintayin ko na lang yung sagot mo.” Sabi niya.


“Ah… okay.” Sabe ko.


Tara na! Uwe na tayo gabe na oh!” sabe niya at tumayo na kame para pumunta sa kotse niya at para makauwe na kame.


Habang nasa kotse niya ay walang kibuan, walang  ni salitang maririnig sa loob ng kotse hanggang sa makarating na kame sa bahay ko, pababa na ako ng pigilan niya ako at bigla niya akong sinunggaban ng halik sa pisngi.

“Hala! Gago ka ba?” yun na lang ang nasabe ko at bigla kong natakpan ang bibig ko nabigla sa sinabe ko.


Natawa siya ng mahina, “Hindi naman! Bakit?” sabe niya na nakangiti.


“E bakit mo ginawa yun? Bakla ka ba?” sabe ko na nakangiti unti.

“Hindi! Gusto lang kita halikan!” sabe niya na nakangiti pa rin, “Parang sa pisngi lang eh. Buti sana kung sa labi noh!”


“Kahit na!” katwiran ko.


“Okay!” sabe niya.


“Sige na ‘buh-bye’ na!” sabe at bumaba na sa kotse niya.


Nasa gate na ako ng may narinig akong boses.


“Sino yun?” sabe nito.


At parang kilala ko ang boses na yun.
--------------------------------
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayari sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.

Wednesday, April 6, 2011

Herbie.(part. 4)

Tinanong ko sarili ko, bakit ako umiyak nung naalala ko si rob? Dahil ba sa hindi pwede maging kami? Ganun ba yun?

“Hayyyy!.” Buntong hininga ko habang nasa nakahiga pa sa kwarto.

Bakit ba kasi ganun na lang ang pakikitungo ni Rob sakin e.

Mga banding tanghali ng martes ay ginala ko si herbie dahil naman sa walang pasok ay ginawa ko iyon at para malibang. At this time, wala si mama nasa cebu para sa work niya, si ate naman ay nasa laguna may outing sila, at si kuya ay umalis para sa O.J.T nila mga balik nila ay sa susunod na lingo pa, wala akong kasama ng matagal. (woohoo)

Habang naglalakad ay napadaan ako kila rob, sa may tapat nila ay may kasama siyang isang napakagandang babae, at tuwang-tuwa silang nag-uusap.

“ano kaya pinag-uusapan nila?” tanong ko sa sarili ko, habang nakatayo malayo sa kanila.

Nakatayo lang ako at biglang napatingin si rob sakin. Nilapitan ako.

“Halika jon! Papakilala kita sa kasama ko” paunlak niya.

“Wag na!” katwiran ko, “saka ginala ko lang naman si herbie kaya napapunta ako dito.” Sabay lakad palayo sa kanila.

Dahil sa nakitang kong ‘yon, nalungkot ako, oo aaminin ko nagseselos ako.

Umuwe ako na may lungkot na dala, syempre nandiyan ang aso ko na kinocomfort ako.
Medyo napawi ang sama ng loob ko dahil kay herbie, at nakatulog ako.

*ding dong.

“Ano aman kaya gusto nun?” sabe ko sa sarili ko. Gabi na pala, naglakad na ako papuntang gate at binuksan ito.

“Hi good evening!?” greet niya sakin na nakangiti at may dalang siomai.

“Bakit rob?” tanong ko na nakasimangot.

“Garbe naman yang salubong mo sakin ganda-ganda ng batik o sayo e, ngumiti ka naman diyan?!” nakatitig lang sa akin.

Pilit ang binigay kong ngiti s kanya.

“Ano ba yan!? Pilit naman yang ngiti mo.” Nakasimangot na siya, “hanap ko si herbie! Kakain kame ng siomai.”

“A, okay eto siya o!” sabi ko at binigay si herbie sa kanya at isinara ang gate. Inipit naman niya ito ng paa, pero nasaktan siya.

“Aray ko!!” sigaw nito, kasi nakaslippers lang naman siya saka napalakas ang sara ko ng gate, napaupo ito sa sakit.

“Hala! Sorry di ko sadya.” Sabe ko at sabay tabi sa kanya na nagsosorry.

“Joke lang!” sabe nito sabay tawa.

“UHMM!” sabay hampas sa noo niya, “loko ka aa!” sabay simangot sa isang tabi.

“Sorry kasi ang sungit mo e at umalis ka kaagad kanina! Bakit ba?” sabe nito na seryoso ang mukha na nagtatanong.

“Kase ginala ko lang nun si herbie saka.. saka..” katwiran ko at hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.

“Saka ano ha?? Selos ka nuh???” sabe nito at nakatitig pa ng pilyo sa akin.

“Hindi a! Saka.. saka.. natatae ako nun!” palusot.com ko sa kanya at nagulat ako sa sinabe ko sabay tingin sa malayo na nahihiya.

“Hmm REASON!!” sabe nito na nakangiti pa at pilyo ang tingin sa akin. Siguro naman kitang kita niya na namumula ang mukha ko.

“Hindi ako selos nun, saka bakit ako magseselos e hindi naman kita gusto at hindi ako bading nuh!” katwiran ko medyo kumirot ang puso ko nung sinabe ko yun sa kanya.

Nagulat talaga ako sa sinabe kong yon kay Rob.


Nakita kong nalungkot siya, tumahimik ang sandaling iyon. Di ko alam kung magsasalita ba ako o tatayo tapos… Basta andame kong gustong gawin, at siya na nga ang unang nag salita.

“Ayy, ganun??” sabe nito na nakayuko.

“Oo ganun nga.”, ano ba tong sinasabe ko?? Bakit kasi ganito siya?? Kainis!. Sabay gumawa na lang ng way para maputol ang katahimikang yon.

“O anu yang dala mo? Mukhang pagkain yan ah!? Tara kainin natin.” Sabe ko


Tumayo siya at binigay ang isang kamay para itayo ako. Pumunta na kami kung palagi akong nandun tuwing gabe para mag stargazing at tingnan ang buwan, at dun kame kumaen ng siomai.

Nakatingin ako sa mukha niya at nakikita ko dun na pinipilit niyang ngumiti kahit na may kirot sa puso niya.

Habang kumakaen ay pagsubo ko ng siomai ay nalaglag iyon, gusto ko sanang pulutin pero pinigilan niya ako.

“Wag madumi nay an!” sabe nito sabay kinuha ang kamay ko.

“Hindi kasi magkakalat pa iyan e, katamad kaya maglinis.”

“A ganun ba, yaan mo ako maglilinis niyan, pero ngayon ubusin mo muna ito.” Sabe niya sabay subo sakin ng siomai sa tingin ko yun yung pinakamalaki.

“Ang sarap naman nun.” Sabe ko.

“Talaga!? Kasi yan ang pinakaespecial diyan at ako nga pala gumawa ng mga siomai na yan.” Proud nitong sabe sa akin na nakatingin sa akin.

“Talaga!? Gaano naman kaespecial?” tanong ko na nakatingin din sa kanya.

“Parang ikaw, ganun kaespecial!” sabe nito at mukhang nagulat sa sinabe nito ay binawe angpagkakatingin at medyo kinagat ang labi nito sa ibaba.

Nagulat ako sa sinabe niya , bakit ganun siya? Tanong ko na lang sa sarili ko at alam ko nakita na namula mukha ko nung sinabe niya iyo sa harap ko.

“Ano nabusog ka ba?” tanong niya sa akin habang nililigpit ang pinagkainan naming dalawa.

“Oo naman, ang sarap nga e.” papuri ko sa kanya.

“Sige na ako na magliligpit niyan, umuwe ka na baka hinahanap ka na sa inyo.” Sabe ko sa kanya sabay agaw sa kanya ng walis.

“Okay!” sabe nito at binigay sa akin ang walis.

Hinatid ko siya sa hanggang gate lang.

“Good night sleepy head! Sleep tight a!” sabe nito at nakangiti ng malaki.

“O sige na goodnight na rin.” Sabe ko sa kanya sabay ganti ng malking ngiti pero may kasamang puso. (HONGLANDEEE!)


Nagulat na lang ako ng biglang sinabe niya

“okay have a pleasant dream, and I’ll be dreaming of you tonight.” Sabe nito.

“ANO!?” tanong ko nakangiti

“AHH, wala!” sabay ngiti .

“okay” yan na lang ang sinabe ko at di niya alam narinig ko iyon.

“Ahmm, jon?” tanong nito na nahihiya pa.

“O ano na naman ?” sabe ko.

“Ah wala. Good night na lang” sabe nito at sumakay na ng motor niya.

Pumasok na ako sa amin at pumunta na ng kwarto ko.

“Hayy.” Ang malalim ko na naming buntong hininga na malakas din pero nakangiti.

At natulog na ako ng may bakas na ngiti sa mukha.


->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayare sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.

Monday, April 4, 2011

Herbie.(part.3)

Nagising na ako para pumasok na sa school, monday na pala, tamad na tamad akong pumasok ngayon, e kailangan kasi Final exams na namin at dahil graduating na ako kailangan kong tumutok sa school at nandiyan ang praktis ng graduation, pirmahan ng clearance at dahil graduating nga kailangan habolin mo ang teacher mo kasi ayaw nila na ikaw ang hahabulin, at kung anu-ano pang pinapagawa samin dahil aalis na nga daw kame.

Nagpainit na ako ng tubig panligo. Nagulat ako agang-aga may nagdoor bell at tiningnan ko iyon, si Rob!?

"Ano kaya kailangan nito?" bulong ko sa sarili ko habang papunta sa gate.

"O rob bakit?" salubong kong tanong sa kanya.

"Ahmm jon?" tanong nito na parang nahihiya.

"Bakit nga?" sabe ko na gustong marinig kung ano sasabihin.

"Aalis ka na ba? sabay na tayo!?" paanyaya niya na nahihiya pa. Hindi pa nga ako nakakabihis at nakakaligo man lang, at siya ay nakauniporme na.

"Huh?! Hindi pa nga ako nakakabihis at nakaliligo man lang, kaya wag na uy!" pasigaw kong sabe sa kanya.

"Sige na, please?" pilit na pinapa-oo ako at nagmake-face pa ang loko.

Napatitig lang ako sa kanya sandali, kase ang cute niya at napagwapo niya sa ganoong mukha, ang sarap tingnan ng mukha niya pag nagmake-face siya.


"Ano ?" tanong nito.

At napaiktad ako ng unti, at sinagot siya.


"Oo na nga." dapat hindi ang sasabihin ko pero parang naging weakness ko na ang cuteness niya.


"YES!!" tuwang sabi ng loko at parang batang tuwang tuwa.


Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay sabe ko maliligo muna ako at aalis na kame. Pinaupo ko sa salas.

Pumasok na ako ng banyo para maligo. Siya naman ay nakaupo sa sofa ng iniwan ko, pagkatapos ko maligo ay nakita ko siya nandun siya sa kwarto ko at nakaupo sa sahig habang nilalaro si herbie.


"o bakit ka andito? diba sabe ko sayo dun ka lang muna sa baba" sabe ko habang naglalahad papuntang aparador para kumuha ng susuotin para sa school.


"kase nainip ako sa baba e, wala naman dun magawa kaya umakyat na ako, saka andito si herbie para malibang naman ako." paliwanag nito habang patuloy pa rin sa paglalaro kay herbie.

"Teka, paano mo nalaman pangalan ni herbie, e I don't remember telling you her name?" tanong ko kay rob.

Sabe niya " kase tinanong kay ate jocie kung ano pangalan ng aso mo nung naihatid na kita dito, ganda nga ng pngalan niya e." sabay himas sa malagong buhok ni herbie.


"Okay baba kana, magbibihis pa ko." sabe ko sa kanya kase naiilang ako pag may nakakakita ng katawan ko payat na nga eh.

"Sus, okay lang yan parehas naman tayong lalaki e." katwiran nito at bilang tumayo at ibinagsak ang katawan sa kama ko habang nasa dibdib niya si herbie.

"Sige na rob! Baba ka na !" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Okay galit ka na eh, hindi naman kailangan sumigaw." medyo lumungkot ang niya. Ako naman ay nalungkot din ganun kasi ako pag hindi nasusnod ang gusto ko napapasigaw ako ng hindi ko nalalaman.

Tapos tumayo na ito at bitbit pa rin si herbie.

"Bakit kaya ang sungit ng amo mo?" narinig kong sabe niya niya habang ang muka ng aso ko ay nakatapat sa muka niya.

Nagbihis na ako at bumaba.

"Galit ka ba?" tanong ni Rob na nakaupo sa sofa.

"Hindi, medyo nalakas ko lang boses ko" katwiran ko, "sorry ah!" dugtong ko pa.

"Tara na malelate na tayo." sabe niya at kinuha ang bag sa sofa.

"wait lang isasara ko lang yung pinto."

Sinara ko ang pinto at sumakay sa motor niya.

Binigay niya sakin ang nag-iisang helmet niya medyo malayo kasi ang school sa amin.

"Paano ka? wala kang helmet." sabe ko na nahihiya kasi binigay niya sakin yun nagiisa.

"Okay lang ako, saka sanay na ako." paliwanag niya na hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya.

Umalis na kame at medyo nalate ako ng 5 mins. sa homeroom, buti na lang homeroom lang, at nagsimula na ang test at sa pinakahuling test nmin ay Values Education ay hindi ko na pinagbutihan kasi medyo basic lang kumbaga sakin, sa huling sasagutan s test ay essay writing at ang tanong ay

"For you. what is a the meaning of love?"

medyo natagalan akong sagutan iyon at sa tanong na iyon ay naalala si ROB?!

Nagtaka ako, bakita ko naalala si rob? bakit? bakit? bakit? bakit? at BAKIT? yan ang tanong na bumulabog sa isip ko at di ko nalalama na pumatak ang luha ko sa test paper.

HUH!? bakit ako naiiyak? ano ba to? pinunasan ko ang luha ko sa test paper ko at lalo pa itong kumalat mas okay na siguro iyon para mabilis na matuyo. Para hindi na rin akong nakikitang umiiyak ay yumuko ako at tinulugan ang tanong na iyon hanggang sa matapos ang oras ng test.

Nipasa ko ang test ko sa Values na walang sagot sa essay writing. Pag katapos ng test ay nagcheck na lang kame at uwian na.

Nkita ko ang motor ni rob at nagulat ako ng may kumawak sa kaliwang balikat ko si Rob pala.

"Samahan mo ko, kain tayo? treat kita." panyaya niya.

"wag na busog pa ako." katwiran ko sa kanya.

"sige na, please?!" yan na naman siya makeface na naman ang mokong, yun na nga talaga siguro ang kahinaan ko ung cuteness niya.(sheeks).

tapos ay umalis na kame at kumaen sa karinderya, nag-usap kami at hindi napapansik ang oras na alas0syete na pala ng gabe, sa lahat ng kinain namin ay siya nagbayad, kahiya nga e. Umalis na kame sa karinderya at umuwe na.

Sa kalye, habang nagmomotor kame pauwe ay may biglang tumawid na aso at biglang napapreno si Rob buti na lang ay hindi kame sumemplang, sa biglang pagpreno ay tumama yung labi ko sa matigas na bagay sa helmet niya at hindi ko na lang iyon pinansin.
Nang nandun na kame sa bahay namin y bumaba na ako, pagtanggal ko ng helmet ay napatingin siya sa akin at nagulat.

"Hala! may dugo yung labi mo" medyo concern na tono ang boses niya at bumaba muna sa motor at tiningnan.

Hinawakan niya ako sa bba at pinatingala patingin sa kanya at kumuha ng panyo at pinunas sa labi kong may dugo, siya mismo ang nagpunas siguro nung time ay nagblush na ako.

Sabe ko,"wala ito, baka nung bigla mong pagpreno ay tumama sa matigas na bagay sa helmet", at biglang inagaw ang aking mukha at kinuha na rin ang panyo na pinunas niya at ako na ang nagpatuloy.


"Sige na! Uwe ka na, okay lang ako" sabe ko sa kanya.

"Sorry a, dahil sakin nasugatn ka pa!" sabe niya habang nakatitig sa akin ng seryoso.

"Okay lang nu ka ba!, saka hindi mu naman sinasadya eh" sabe ko na nakangiti at sabay hawak sa pisngi niya. Hindi ko din alam kung bakit ko yun ginawa.

Binawe ko ang kamay ko bigla, " gue na uwe ka na gabe na oh."

"sige, salamat sa pagsama ah, Goodnight!" pagpapaalam niya.

Tapos ay umuwe na siya. Pumasok na ako sa bahay.

"O, anak andiyan ka na pala kaen ka na dito oh." paunlak ni mama. Pero hindi na ako kumaen at dumiretso na lang ako sa kwarto ko.

At ibinagsak ang katawan sa kama ko, umakyat din naman si herbie sa kama ko at humiga sa dibdib ko.

Sabe ko sa kay herbie habang nakatingin sa akin,"bakit kasi dun ka pa nagpunta sa bahay nila e, nainlab tuloy ako."

Napaiyak na lang ako at nakatulog na.

===================================================
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayare sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

Saturday, April 2, 2011

Herbie.(part. 2)

Kinabukasan, sabado ng umaga, naisipan kong gumising ng maaga para hanapin si herbie. Pumunta ako sa lugar kung siya nawala at may nakita akong isang bahay na malaki at maganda kulay blue ang mga walls nito, pinuntahan ko iyon para magtanong kung meron silang nakitang aso.

*dingdong.

Nagdoorbell ako at may lumabas naman na tao, katulong nila kase nakaumiporme pa ito, nagtanong ako kay ate.

"Ate, may nakita ba kayong aso dito na goldish ang kulay?" tanong ko kay ate.

"ayy, oo, nakita ng anak ng amo ko e. sa'yo ba yun?" paliwanag niya.

"talaga po, patingin naman po nung aso?" tuwa kong sabe kay ate.

"saglet lang ah, kukunin ko lang, kung gusto mo pumasok ka na rin." sabe ni ate.

At pumasok naman ako sinundan ko si ate, mukhang malaki ang bahay "Up&Down" nga e, nakarating kame sa likod-bahay nila.

"saglit lang a, kunin ko lang dun." sabe ni ate sa akin.

"sige po." sabe ko naman.

Nagulat ako paglabas ni ate ay si herbie nga ang tinutukoy niya at lumapit para kunin si herbie.

Nag-usap muna kame ni ate, tinanong ko kung saan nila nakita si herbie? at sino ang nakakita sa kanya?

"ate, sino po nakakita sa aso ko ?" tanong ko kay ate kabang nagluluto ng almusal nila.

sabe niya habang nagluluto.,"si Rob yung alaga ko, fourth year high school na isya nag-aaral sa T.I(tanauan institute), nakita niya yan nung nasa labas siya habang naglilinis ng bike at motor niy, lumapit nga yang aso mo sa kanya e, kwento ni Rob sakin".

"ah! pakisabi naman po sa kanya salamat." sabi ko kay ate na nakangiti, parang may naaalala akong pangalang rob nung grade 2 ako.

"o sige sabihin ko sa kanya. Ntutlog pa kasi rob e, siguro mga alas-dyis pa yun magigising."

"a ganun po ba", sabe ko kay ate habang iniikot ang aking mata sa bahay.

"kung gusto mo dito ka na kumaen ng almusal?" paanyaya ni ate.

"nako wag na po, nakakahiya naman po" pa-humble kong sabe.

"Gue na, wala naman yung mga amo ko dito maagang umalis pumunta ng bohol para sa hacienda nila. saka kame lang naman ni Rob ang tao dito e." paliwanag ni ate at pilit akong pinapa-oo ni ate.

"sige na nga po!" sabe ko kay ate na nakangiti, kung sa bagay gutom na rin ako.

"wait lang a, ano ba pangalan mo? at san ka naman nakatira?" tanong ni ate sakin.

"a-ako po?, ako po si Jon nakatira diyan sa may pink na bahay malapit sa factory ng kikiam" paliwanag ko kay ate.

"a, ako nga pala si jocie..." pakilala ni ate, nang maputol ang sinasabe niya kasi may biglang bumaba na lalaki. mukhang ito si Rob.

"ate jocie, may almusal na po ba?" tanong nung lalaking bumaba, at napatingin sa akin at sa aso kasi hawak ko ito.

"ikaw ba may -ari ng asong yan?" tanong ni rob habang papalapit sa akin.

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niyang iyon, kasi nakatingin ako sa makisig niyang katawan, mukhang nagbubuhat ito, at napababa ang tingin ko, aba! malaki ang nakabukol sa harap!, nakaboxer lang kasi siya.

"uyy!" sigaw ni rob na kinukuha ang atensyon ko.

Napailing muna ako at sumagot ng,"Oo!"


Natanong ko sa sarili ko, bakita ganito ang nararamdaman ko?, umiinit ang aking katawan at parang nagkagusto ako sa lalakeng 'to.

"alam mo parang nakita na kita sa school noon?" at nilapit ang mukaha niya sa mukha ko.

Napayuko na lang ako sa ginawa niya, "NOON" inulit ko yung sinabe niya.

"oo, noon, nung grade 2 pa ako nun" sabe niya na nakatingin pa rin s mukha ko.

"Hindi pa no!" biro ko sa kanya.

"Oo kaya!" sabe niya na nakangiti at nakititig pa rin sa mukha ko pero medyo malayo sa sa mukha ko.

"nung grade pa ako nun!?" dugtong pa niya.

"A talaga." yan na lang ang nasabe ko na nakatingin sa lapag.

"sige na po ate jocie, rob alis na po ako kasi baka hinahanap na ako ng nanay ko." paalam ko sa kanila.

"ayy, teka muna kala ko ba payag ka na dito na mag-almusal, diba?" pagpigil ni ate sa pag-alis ko.


"Sige na! 'Yaw ni ate na tinatanggihan ang grasya." biro ni rob na pumunta ng cr.

"ah, sige na nga po." kahiya naman diba kung tanggihan pa ang grasya saka gutom na rin ako.


Nag-ayos na si ate jocie ng hapag kainan at kumaen na kamen, katabi ko nun si rob habang kumakain.


"Naalala kita nun, sinasabe ng mga teacher samin iyakin ka daw nun sa section 1 nung grade 2." sabe sakin ni rob habang kumakaen kame.

"pano mo nalaman?" tanong ko na medyo nahihiya.


"kase section two ako nun madalas magkwento samen yung advieser niyo nun." palieanag niya na nakatingin at nakangiti sa akin.

"Ah!" yan na lang ang nasabe ko, naalala ko na! siya yung cute na bata sa section 2 at sinasabe samin ng teacher na magaling s math, pero ngayon "SHEEEET !", ang na niya ngayon.


Tnanong niya rin kung saan ako nakatira? saan ako nag-aaral?, dahil katabe ko siya. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya, doon ko lalo napagtanto na super gwapo at ang aliwalas ng mukha niya.  TEKA! ano ba tong nararamdaman ko sa kanya? nahulog na ba ang loob ko sa kanya ng ganun na lang? BADING na ba ako? yan ang gumugulo na tanong sa isip ko habang kumakaen kame.


Pagkatapos namen kumaenay nagpaalam na ako.

"Sige ate jocie at rob uwe na ako kasi hinahanap na ako ng nanay ko." paalam ko sa kanila.

"Sige pero ihahatid kita may motor naman ko diyan eh, saka marameng aso dito baka habulin at kagatin ka lalo na may dala ka pang aso." paliwanag ni rob.

"Mabuti nga" singit pa ni ate jocie.

"Naku wag na po nakakahiya naman!" pa-humble kong sabe kay Rob.

"I insist, ihahatid na kita! Diyan ka lang kukuha lang ako ng damit" pumunta na ng kwarto niya si Rob para kumuha ng damit.

Pagkababa niya ay nakasuot na ito ng itim na sando, lalong naging kaakit-akit ang katawan nito kasi hapit sa kanya ang sando at kita ang korte ng katawan.

Sumakay na kame sa motor niya at  dun ko naamoy ang kanyang "manly scent" ika nga, grabe ang bango at nakaka-inlab.

"SHEET!" bulong ko sa sarili ko.

At nakarating na kame ng bahay at nagpasalamat na ako kay Rob pagkababa.

"sige Rob, salamat ulit ha!" sabe ko sa kanya habang nakahawak sa aso ko.

"Your welcome." sabe nito na may kasabay na matamis na ngiti at nakatitig lang sa akin.

Nginitian ko na rin siya pabalik, at umalis na pauwe.

Pumasok na ako sa loob at tumakbo papunta sa loob ng kwarto ko.

At ibinagsak ang katawan ko sa kama ko.

Tinanong ko uli ang sarili ko, ano ba itong nararamdaman ko? Ano to? Bading na ba ako? Ito na ang tintawag na "love at first sight"?

Pero di pwede ako magkagusto sa kapa lalake ko, diba? sa tanong na iyon ay bigla akong nalungkot.


" SHEEEEEEET! " sigaw ko sa kwarto ko, sabay buntong hininga.

===================================================
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayare sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

Friday, April 1, 2011

Herbie.(part.1)

"Ahhhh.." ang ungol ko. hinawakan niya ang likod ko, para akong mamatay sa higpit ng pagkakahawak niya.

"sheeet, ang saaaraaaapp" ang hina kong sabi. at parang akong lumipad sa naramdaman ko. nakapag-relax ako at nagpahinga, and  she's coming again, sa mga mata pa lang niya parang sinasabe niya na round two pa. At humiga ako habang inaalalayan niya, at tuluyan ng nagpaubaya sa masahista.
-------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad ako sa mall dahil dun talaga ang punta ko pagkatapos ko magpamasahe, habang naglalakad ay may nakita akong isang store, BIO RESEARCH ang pangalan ng store, nacurious ako dahil parang ngayon ko pa lang ito nakita.(kasi laking amerika ako.), at pinuntahan ko ito at andame kong nakitang mga hayop nandyan ang aso, pusa, hamster/guinea pig/gerbil ( ayy ewan kasi parang parehas lang sila ng mga hitsura.), atbp. at may lumapit sa aking isang lalaki at tinanong ako. siguro siya yung nagbabantay dun at nagbebenta, ang suplado nga eh, mas gwapo naman ako (ehemm).

"ano kailangan niyo?!" sabe sakin ng lalaki.

"aba ang gago neto ah." sabe ko sa isip ko. "gusto ko ng aso." sabe ko medyo mataas ang tono.

lumakad siya, "dito tayo!" sabe sakin ng lalake at tinuro niya sakin ung mga aso na nakakulong, mga puppy pa, at punili ako. May nakita akong aso na nasa labas ang ulo bigla niyang kinagat ang pantalon ko, medyo nabutas nga eh, at tinanong ko kung pede ilabas, sabe niya "oo, pwede." ang suplado talaga ng gagong to. Nilabas ko at dinila-dilaan niya ang kamay ko nakipaglaro muna ako

at biglang nagsalita ang lalake " bibilhin niyo na ba yan?" tanong nito.

at pumunta ako sa counter binili yung aso kasama yung kulungan, poodle ang breed ng aso nung bata pa ako gustong gusto ko na ng poodle, at babae ito mura lang siya, binigay ko ang ATM ko.

at nagsalita nanaman ang gago," ayy, cash na lang pwede?. kase nasira yung ano namin." (hindi ko na maalala yung kung anung tawag dun kaya ano nalang nilagay ko.)

nainis ako at kinuha ang wallet sa bulsa ko, kumuha ng pera at binigay sa kanya (naubos tuloy yung ipon ko).

Umalis ako na dala ang binili kong aso, I can't wait to bring her home. pag-karating ko sa bahay inayos ko yung tutulugan nito sa kwarto ko.

"Ay, sandale nakalimutan ko kung ano ipapangalan ko sayo?" naalala ko na wala pa palang pangalan yung aso kong binili.

"ahmmmm?!" ang nasambit ko." alam ko na!" napasigaw ako habang hinihimas ang aso ko.

"HERBIE! yun ang ipapangalan ko sayo." habang tinaas koang aso at nakatingin.

"simula ngayon herbie na ang itatawag ko sa iyo" habang nilalaro ang aso ko.

Kinagabihan ay kumaen na ako at inayos na ang gagamitin para bukas, at natulog na ako katabi si herbie.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nag-alarm na ang cellphone ko at nagpainit ng tubig para panligo at sa coffee maker naman para pangkape. Bumaba na ako kasama ang aso ko at habang hinihintay ang tubig na mainit ay nilalaro ko ang aso ko. As usual ako na lang natira sa bahay, kase ang aga ng pasok ni mama tapos si ate ganun saka si kuya halos magkakasabay silang tatlo, nagluluto na lang si mama at nilalagay sa lamesa pero hindi ko ito ginagalaw kaya palaging nagagalit sakin si mama kase nasanay na akong dun na sa school kumaen pagkarating. Naligo na ako at nagbihis binigyan ko na ng madameng pagkain si herbie para hindi magutom.


Umalis na ako at nilock ang nagbabye muna ako sa aso ko nilagay ko siya sa kulungan habang nasa loob ng bahay.

Ako nga pala si Jon 16 yrs. old nasa fourth year high school. Nakatira sa Batangas City, siguro eto na lang ishare ko noh kasi katamad na.

At natapos na nga ang school ko agad at sabik na umuwe kasi igagala ko si herbie bago ko gawen ang assignments ko, at pag karating ko yun nga at nagbihis muna at ginala na si herbie, naging ganito ang hobby ko pagkakarating ng bahay.


Eto na ang kwento ko, noong naglalakad ako ay tinanggalan ko ng tali si herbie, friday nun at walang pasok bukas kaya medyo natagalan ang gala namin ni herbie, yun na nga ay tinanggalan ko na tali si herbie para sumunod sakin ng wala ng tali nasanay na siya ng ganun pero nung tinanggalan ko ng si herbie ay bigla siyang tumakbo hinabol ko siya pero ang bilis niya tumakbo ng hindi ko na maabutan.

 Umuwe ako ng may lungkot sa mukha kasi paano kung mawala siya? paano yun kakain? paano kung kinuha na siya ng mga tambay sa kanto at gawing asozena, yan tawag sa asong kinakatay at niluluto mng mga tambay sa kanto, kung ano-anu ang tumatakbo sa mga utak ko nun kasi siya na nga lang ang minasang nagpapasaya sa akin pag malungkot ako kasi parang wala na silang pakiaalam sa akin, napapansin lang nila ako pag may mali akong ginawa.

Bigla ito na lang ang sinabe ko sa sarili ko," siguro pag-kagising ko na lang andyan na yan sa gate" kasi nasanay siya pag lumalabas sa bahay ay nakikita ko na lang siya sa gate na kaupo at kumakahol.

Natulog na lang ako ng sandali pero nagising ako gabe na pala at tiningnan ang gate namin pero wala pa si herbie ang aso ko. medyo nalungkot ako at nilapitan ni mama.

"siguro bukas may tao na dala siya at ibabalik sa iyo kase kilala ka naman dito eh, at alam nila na sa iyo yung asong yun."sabe sakin ni mama na chinicheer-up niya ako at nakaakbay sakin.

"siguro nga ma." tugon ko sa kanya at umakyat na ako at natulog.
===================================================
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayare sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.