Tuesday, May 10, 2011

Herbie (part. 8)

Nagising ako ng alas sais ng hapon dahil nauuhaw ako at nagugutom na rin, kaya bumaba na ako para kumain ng hapunan na rin.


Pagkababa ko ay biglang may nagdoorbell kaya pinuntahan ko ito.


Tiningnan ko sa butas sa gate kung sino aba si Rob, may dalang malaking box sa isang kamay at sa isa naman ay basket.


“O Rob ano kailangan mo?” tanong ko.


“di ba ngayon mo na ako sasagutin?” sabe niya na nakangiti.


“Hala! Ngayon ba? Wala akong naaalala!” sabe ko na nakangiti.


“Hala! Sabe mo kaya kagabe sasagutin mo ako pag may dala akong ikakasaya mo, kaya ito oh!” sabe niya sabay bukas ng malaking box at ang daming siomai.


Nakaayos ito sa isang simbolo kaya tinanong ko.


“Ano yan?” tanong ko.


“Siomai!” sagot niya na napatawa ng mahina.


“Yung ayos ng siomai! Loko!” sabe ko.


“Ah! Hakuna Matata!” sabe niya sabay kindat sa akin.


“Ano ibig sabihin nun?” tanong ko.


“Ahmmmm…… Hulaan mo na lang!” sabe niya.


“Oh, ano hinihintay natin? Kainin na natin ito.” Dugtong pa niya.


Sabay pasok sa loob ng basta basta.


“Oy!” tawag ko sa kanya pero hindi ako pinansin at dumiretso sa likod bahay kung nasaan ang duyan, “ ‘tong lokong ito hindi man lang nagpaalam."


Pumunta ako doon at nakita kong inaayos na niya ang uupuan at pagkakainan namin.


“Ano ginagawa mo?” tanong ko.


“Inaayos ang date place natin.” Sabe niya.


“Date ka diyan! Utot mo!” sabe ko.


“Grabe naman to, buti nga at ako na ang nag-aayos eh, ikaw nga walang ginagawa diyan e.” Sabe niya at patuloy pa rin sa pag-aayos.


“So utang na loob ko pa! kainis ka a!” sabe ko sabay punta sa kusina at inirapan siya.


Aba, uy san ka punta?” sabe niya.


Nagtungo ako sa ref upang uminom at biglang yumakap sa akin si Rob.


“Galit ka ba? Sorry na!” bulong niya sa akin.


“Hi-hindi a.” sagot ko.


“Rob…” sabe ko.


“bakit?” tanong niya.


“Hi-hindi ako makahinga.” Sabe ko.


“Ay! Sorry!” sabay bitaw ng pagkakayakap sakin.


Tara na, ready na yung date place natin.” Sabe niya at hinila ako.


Naglagay na siya ng siomai sa maliit na paper plate at sinubuan ako.


“Uy ano ka ba? Kaya ko na!” pilit kong agaw sa kanya.


“Hindi! Ako na!” sabe niya sabay subo ulit ng siomai sa akin.


“Simula ngayon asawa mo na ako.” Sabe niya sabay abot sakin ng baso na may coke.


Nagulat ako sa sinabe niya kaya di ko mapigilang magsalita kahit na puno ng siomai ang aking bunganga.


“Ano ka hilo? asawa ka diyan” sabe ko.


“Ano ka ba! Don’t talk when your mouth is full!” sabe niya sabay pinainom ako ng coke.


Inubos ko muna ang nasa bibig ko at uminom ng coke.


“Ano sa tingin mo ang pinagsasabe mo?” sabe ko.


“Bakit? Tayo na diba?” sabe niya.


“Rob may sasabihin ako sayo..” itutuloy ko na sana ay biglang tinakpan ang bibig ko.


“Alam ko na sasabihin mo.” Sabe niya.


“Na hindi pwedeng maging tayo!” sabe niya.


Tumango lang ako na may lungkot sa mukha.


“Oo alam ko hindi talaga pwedeng maging tayo dahil parehas tayong lalake, pero wala silang pakialam dahil nagmamahalan tayo at wala silang magagawa dun!” sabe niya sabay hawak sa mga pisngi ko.


“Pero Rob hindi natin ito kailanman maitatago ang relasyon natin mabubunyag at mabubunyag din ito.” Sabe ko at tuluyan ng tumulo ang aking mga luha.


Niyakap niya na lang ako.

“Sige na! wag ka na umiyak!” sabe niya sabay punas sa aking mga luha.


“wag ka na malungkot ha! Sige na, ngiti na dali ngingiti na yan.” Pampipilit niya kaso hindi pa rin ako ngumingiti at kiniliti na niya ako.


At ngumiti na ako para tumigil na siya.


“Sige na ubusin na natin to.” Sabe niya.


Naubos na namin ang kinain naming siomai at nagkukuwentuhan na lang kame tungkol sa aming lovelife noon mga grade school at ngayon.


Bigla akong napahikab dahil inaantok na ako.


“Inaantok ka na siguro dahil sa kwento ko noh.” Sabe niya.


“Hindi no!” sabe ko.


Tiningnan ko yung oras sa relo ko na hindi ko pa hinuhubad simula nung umuwe ako galing school at 8:30 pa lang pero antok na antok na ako.


“O sige dito ka muna.” Sabe niya sabay lagay ng ulo ko sa balikat niya.


At sumunod naman ako, nang nakasandal na ako sa kanya ay bigla siyang kumanta.


Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sayo.
Kahit na lilipad
Ang isip ko’y torete sayo.

Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo’y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako

Torete torete torete ako
Torete torete torete sa’yo.


Grabe ang lamig ng boses niya kaya inantok na ako bigla kong kiniskis yung ulo ko sa balikat niya, dahil nga tinatamaan na ako ng antok at sa kanta niya, bigla niya kinuha ang ulo ko at hinalikan ako sa labi hindi ko naman siya pinatigil sa ginawa niyang iyon.


Matagal ang halik na iyon talagang pinararamdam niya na mahal na mahal niya ako. Pagkabitaw niya ng halik sakin ay biglang sabi…


“I love you Jon.” Bulong niya sakin na nakangiti.


Ngumiti lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko, bumalik ako sa pagkakasandal ko sa balikat niya at siya din ay sumandal na din.


“Ahmmmmm… Rob?” tanong ko.


“Bakit?” sabe niya.


“Di ka pa ba uuwe?” tanong ko.


“Ayy… oo nga pala, o sige ligpitin ko na muna to tapos aalis na ako.” Sabe niya sabay tayo at nagsimula ng magligpit.


“Tulungan na kita diyan.” Sabe ko at tinulungan na siya.


Pagkatapos naming magligpit ay hinatid ko na siya sa gate.


“O sige Rob salamat sa date natin a.”sabe ko na nakangiti.


“Ahmmmm jon may nakaklimutan ka.”sabe niya na nakangiti.


“Anu na naman yang kalokohan mo?” sabe ko.


“San goodnight kiss ko?” sabe niya.


“Mukha mo!” sabe ko.


“Sige na minsan lang!” sabe niya.


“Bakit? Kiniss mo na ako kanina no.” sabe niya.


“That doesn’t count! Kasi ako ang humalik and this time ikaw ang gusto kong humalik sakin.” Sa niya.


“Hala ayoko nga!” sabe ko na nakangiti ng palihim.


“Grabe ah. Minsan na nga lang eh.” Sabe niya.


“O sige!” sabe ko.


Lumapit na ako sa kanya at humalik.


“hmmmmmmmmmmmmwuahhh.” may tunog pa, smack lang ang ginawa ko.


Sabay bulong sa kanya, “I love you too.”


Ngumiti siya na kulang na lang umabot sa langit.


“Ano? Are you satisfied?” sabe niya.


“100% satisfied!” sabe niya.


“Okay that’s good! Goodnight na!” pagpapaalam ko sa kanya.


“See you in dreamland my dear!” sabe niya habang pasakay sa motor niya.


“Ulol mo!” sabe ko at sinarado ko na ang gate, nagtungo na sa kwarto.

-----------------

Halo-halong emosyon ang bumabagabag sakin dahil sa nangyari ngayung gabe.


“Totoo ba itong nangyayari sakin herbie?” tanong ko sa aso ko.


“Ito na ba ang tinatawag nilang true love, herbie?” tanong ko.


“Kasi malay mo loko lang niya ito at ako naman ay nagpapaloko, ayoko masaktan ang puso ko, ayokong umiyak dahil lang sa pag-ibig.” Para akong tanga na kinakausap si herbie.


Sana totoo na ito? Hayyy..” sabe ko sa sarili ko at natulog na.

Friday, May 6, 2011

Herbie (part. 7)

“Sinu yun?” ulit ko pa.


“Uy! Andito ako sa taas!” sabe ng nagsalita.


“O fred? Bakit ka andyan?” tanong ko sa kanya habang nakatingala.


“Wala! Naggpapahangin lang.” sabe niya habang bumababa sa puno.


“So dito rin ka pala nagrerelax??” tanong niya at tumabi sa akin.


“Paminsan-minsan lang.” sabe ko.


“Ah. Mukhang malalim yang iniisip mo ah?” tanong niya sa akin.


“Sobra!” sabe ko sabay inom ng tubig na binili ko sa canteen.


“Alam mo lalo kang nagiging cute pag seryoso ka!” sabe niya sa akin na nakangiti habang nakatitig sa akin.


“So dapat pala palagi akong seryoso para maging cute ako, ganun?.” Biro ko sa kanya.


“Hindi na kailangan kasi cute ka na at yun ang gusto ko sayo.” Sabe niya.


Sa sinabe niyang yun ay nahiya siya sa akin at yumuko na lang.


“Ah! Okay.” Yun na lang ang nasabe ko dahil nagulat din naman ako sa sinabe niyang yun.


“At ikaw naman ay ang gwapo pag nakangiti ka! Kaya wag ka ng sisimangot ulit.” Sabe ko para naman hindi siya mahiya dahil sa sinabe niya kanina.


“Talaga?” tanong niya.


“Baka naman lumaki ulo mo niyan?” biro ko sa kanya.


“Oo naman kasi ikaw nagsabi e.” sabe niya at ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis at nginitian ko lang din siya.


“Jon… ahmmmm” sabe niya na nahihiya pang tono.


“Ano yun?” tanong ko kasi mukhang may sasabihin.


“May sasabihin ako sayo!” sabe niya ma makatitig sa akin.


“Ano yun?” tanong ko at tumingin na rin sa kanya.


“Gusto kita.” Sabe niya na nauutal pa.


Speechless ako sa sinabe niyang yun kaya nakatitig lang ako sa kanya.


“Ano?” yun na lang ang nasabe ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.


“Gusto kita!” medyo malakas pa niyang sabi.


Nung magsasalita na sana ako ay saktong nagbell kaya hindi na ako nagsalita pa, sabay kameng umakyat papunta sa room naming.


Habang nasa classroom ako ay wala ako sa tino kaya nandun lang ako sa bakanteng upuan sa pinakalikod na nasa tabi ng bintana nakatingin sa mga ulap at ngayon lang talaga ako naging tahimik nang ganito kasi ako talaga minsan ang pinakamaingay sa room pag nasa mood tlaga ako, e wala naman kame ginagawa kaya daldalan lang ang mga inaatupag ng classmate ko pero ako ay hindi man lang umiimik nasa isang sulok lang ako.


“May iniisip ka na naman ba?” may biglang nagtanong na nakaupo sa tabi kong upuan.


Tiningnan ko muna kung sino yung nagsalita, si Fred na naman.


“Oo e.” sabe ko na nakatingin sa mukha niya. Ang gwapo niya talaga.


“Ahmmm jon…” sabe niya. “Yung sinabe ko kanina… Okay lang kahit hindi din ganun yung pagtingin mo sakin… sinabe ko lang yun kasi gusto talaga kita at gusto ko lang sabihin yun sayo… at least bako matapos ang school year ay nasabe ko na sayo yung nararamdaman ko sayo.”


“Ah okay…” yun na lang ang nasabe ko sa haba ng paliwanag niya.


Matagal na walang kibuan hindi mo maririnig ang boses naming dalawa, ang maririnig ay ang ingay ng mga kaklase ko, at Ako na ang parang nagprisinta para magsalita nakakahiya man itanong pero tinuloy ko pa rin ang tanong.


“Ahmmm… fred ano ba nagustuhan mo sakin?” pagmamalakas kong tanong.


“Ahmm… pagiging maingay mo, mabait, napakadown-to-earth mo, cute na sa sobrang kakyutan mo para ka ng babae, at higit sa lahat ng nagustuhan ko sayo yung napakatamis mong ngiti.” Sagot niya na ngumiti.


Napangiti lang ako at napayuko.


“E ako hindi mo ba ako gusto?” tanong niya at naging seryoso ang mukha niya.


“Ahmmm… gusto!” Pagiging honest ko sa kanya.


“So pwede manligaw?” bulong niya sakin.


Medyo natigilan ako sa sinabe niya, kaya matagal ako bago makasagot, magsasalita na sana ako ng pumasok ang adviser namin.


“Hintayin ko sagot mo a.” sabe sakin ni Fred saka umalis na sa kinauupuan niya at bumalik sa upuan niya.


Nagtanong ang teacger namin kung gusto daw namin ng swimming party after graduation, edi tuwang-tuwa ang mga kaklase ko pero ako nanatiling tahimik, iniisip kung totoo ba ang mga pinagsasabe ni Fred, kaya naman hindi ko naintindihan ang mga pinag-usapan nila.


“Kelan daw yung swimming natin?” tanong ko sa kaklase kong nasa harap.


“April 5 sa kuhaan ng card Overnight daw sabe ni mam.” Sabe ng kaklase ko.


“A h okay salamat.” Sabe ko.


Tahimik ako hanggang sa uwian na ay wala pa ring kaimik-imik sa mga kaklase ko, nag-ayos na ako ng gamit ko at nagpabango ng unti at ako ang huling lumabas sa room at sinara ang mga pinto.


Naglalakad ako sa quadrangle ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Rob at yung mamayang gabe na pinapagawa ko sa kanya, at nagtapat na sa akin si joe, at dumagdag pa tong si Fred.


“Ano na ang gagawin ko??” tanong ko sa sarili ko.


Nagjeep at tricycle lang ako pag-uwe kasi wala na dun si Rob sa school.


“Ma?” tawag ko pagpasok ko sa bahay.


“O anak kain ka na dito ng meryenda, Siyanga pala aalis ako punta ako ng Manila dun muna ako sa tita Rowena mo kasi pinapapunta ako e, mamayang gabe din nandito na ako.” Sabe ni mama.


“O sige po, sila ate at kuya po ba asan po?” sabe ko kay mama.


“Pumunta sila sa party ng kaibigan ni ate mo, 12 daw sila uuwe.” Sabe ni mama. “O sige na aalis na ako.”


“O sige po, ingat po.” Sabe ko kay mama.


Humalik muna si mama sa akin at umalis na, ako na naman ang naiwan dito sa bahay. Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos nun ay humiga muna ako sa kama na katabi si herbie.


“Herbie, ano na ang gagawin ko? Tatlong tao na ang nagtatapat sa akin, kainis!” kinakausap ko si herbie siya naman ay nakatingin lang.


“Hahayy!” sigaw ko na nasa loob ng kwarto at nakinig na lang ako ipod ko, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
---------------------------
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayari sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.

Wednesday, May 4, 2011

Herbie (part. 6)

 Sabe na nga ba kay rob galing ang boses na yun.

“O rob ikaw pala? Gabing-gabi na bakit andito ka pa?” bati ko sa kanya.


“Yung tanong ko hindi mo pa sinasagot?” sabi niya na nakunot ang noo.


“A yun ba!? Si joe yun kababata ko!” sabe ko, “ bakit parang galit ka?”


“A so nung mga bata pa pala kayo magkakilala??” tanong niya na medyo tumaas ang boses.


“Oo, bakit ka nagagalit?” tanong ko.


“Bakit kailangan ka pa niya halikan jan sa pisngi mo? Bakit syota mo ba yung ulupong na yun?” tanong niya, “Nakasama mo lang yung ulupong na yun kinalimutan mo na may mahalaga kang pupuntahan ngayon!”


Ngumiti lang ako ng sobra ngiti na kulang umabot hanggang langit dahil sa mga narinig ko.


“O bakit ka ganyan makangiti?” tanong na magkasalubong pa rin ang kilay.


“Tama ba ‘tong naririnig ko at nararamdaman ko? Si Rob Isidro ay nagseselos?” tanong ko na kinikilig pa.


“Hi.. hindi ah! At saka bakit naman ako magseselos dun! E mas gwapo naman ako dun noh!” sabe niya.


“O! Bakit ka defensive at nauutal?” tanong ko na hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.


“Hindi ah!” sabe niya na tumingin sa gawing kaliwa niya.


“Yiiiiiiieeee! Nagseselos ang AKING ROB?” sabe ko at nagulat ako sa sinabe ko kaya bigla kong kinagat ang ibabang labi ko sabay yuko dahil sa huling sinabe ko.


“Totoo ba ang narinig ko ‘AKING ROB’?” tanong niya na inulit pa ang huli kong sabe at umaliwalas ang tono ng boses.


“Ah… Eh…” wala akong masabe dahil nahihiya ako.


“Ibig sabihin niyan mahal mo ko?” tanong niya na nakangiti.


Medyo matagal akong hindi nakapagsalita.


“Ano?” tanong niya dahil hindi ako kumimikibo.


“Ah… eh…” sabe ko at sabay tumango ako.


“Yes!” sigaw niya na parang nanalo sa lotto ang loko.


“Bakit tuwang-tuwa ka?” tanong ko.


“Kasi SINAGOT MO NA AKO!” sabe niya.


“Hala hindi ka pa nga nanliligaw!” sabe ko sa kanya.


“Anu ba yan! Ano pala yung mga paghatid-sundo sayo!? Pag kumakaen tayo sa labas? Ano yun? Hindi pa ba yun panliligaw??” tanong niya.


“Ah yun ba? Hindi eh!” sabe ko.


“Ano ba yan! Ang hirap mo naman ligawan.” sabe niya sabay simangot.


“Ahmmmmmm.. So suko ka na?” tanong ko. “Ganito na lang! Bigyan mo ako ng bagay na makapagpapasaya sa akin!”


“O sige! Ngayon na?” tanong niya na tuwang-tuwa.


“Hindi ah! Bukas ng gabi! Ganitong oras!” sabe ko.


“Ano ba yan! Ang tagal naman!” sabe niya.


“So ayaw mo?!” tanong ko.


“Hindi po! Gusto ko po” sabe niya na parang bata.


“Sige na! Good night na!” sabe ko.


“O sige good night na rin!” sabe niya.

At nang papasok na ako ay bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at pinigilan ako.

“Bakit?” tanong ko.

“May gusto lang akong gawin!” sabe niya at bigla niya akong hinila papalapit sa kanya

 at hinalikan niya ako sa labi, ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang kamay ko at ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa aking pisngi, napapikit na lang ako sa ginawa niyang iyon at mga 10 seconds rin ang halik na yun pero smack lang. (Bilang na bilang ko pa yun, hehehe.)

----------------------------------


Nasa kwarto na ako at hindi ako makatulog dahil sa ginawa ni Rob kanina, hindi ko akalain na gagawin niya yun. At naalala ko birthday nga pala ni Rob ngayon kaya pala may nakalimutan ako.


“Bukas na bukas din bibilhan ko siya ng regalo. Kinalimutan mo pa kasi e!” bulong ko sa sarili ko.

At nakatulog na ako ng katabi ko si herbie. (Syempre palaging katabe ko aso ko.)


Kinabukasan, Thursday nun, ay ganun pa rin. Kumaen, nagkape, naligo na at hinintay si Rob. Mga 10 minutes na ay wala pa rin si Rob, naisipan ko na lang na umalis na lang at baka hindi na dumating si Rob at malate pa ako. Habang naglalakad ay iniisip ko kung bakit hindi dumating si Rob para sunduin ako at hindi man lang tumawag para sabihin na hindi niya ako masusundo??


“Hayy.” Buntong hininga ko habang naglalakad at napatigil ako dahil may biglang bumagabag sa akin paano kung kame na ni Rob pananatilihin ba naming yun na lihim na relasyon pero mabubunyag at mabubunyag din yun kaya siguro wag ko na lang siyang paasahin na magiging kame parehas kameng lalake kaya there’s no way na pwede kameng magkatuluyan, at hindi ko nalalaman na tumulo na ang aking luha pinunasan ko bigla yun at nagpatuloy na sa paglalakad.


Malapit na ako papunta sa tricycle station at ng may bumusina sakin, nagtaka ako kasi nasa tabi naman ako ng daan kaya tiningnan ko kotse na blue ang bumusina sakin.(favorite color ko.)


Tumigil ako sandali upang tingnan kung sino ang nagdadrive.


“Hi!” bati nito sa akin pagkababa ng bintana ng kotse sa driver seat.


“O Fred! Ikaw pala!” bungad ko sa kanya.


Si Fred ang classmate ko na escort ng section namin parang maidedescribe mo na sa kanya ang tall, dark, and super handsome at hearthrob pa samin, san ka pa? kaya proud kame na nasa section namin siya kasi siya nanalo ng best in escort sa 4th year.


“Sabay ka na?” paanyaya niya.


“Naku wag na! nakakahiya naman!” pahumble kong sabi sa kanya.


“Sige na! Hiya ka pa e!” sabe niya at ngumiti ng matamis na ngiti. Sarap niyang titigan sa ganung itsura.(Anong lasa? hehe.)


“O sige” sabe ko at sumakay na.


Sa kotse ay hindi kame nag-uusap mukhang hiya pa rin ‘to sakin, dahil sa school ay hindi niya ako kinakausap lahat na ata ng classmate ko ay nakausap na niya except lang sakin ‘pag ako naman ang kakausap sa kanya ay saglit lang tapos aalis na din kaya nga inaasar nila to sa akin na may gusto sakin kaya ganun pero hindi naman siya nagagalit ngumingiti lang siya pag inaasar, kaya ako na ang nagsalita.


“Bakit parang nahihiya ka sakin pag kinakausap mo ko?” tanong ko sa kanya.


“Ewan ko ba. Siguro ay nahihiya lang talaga ako. Kasi… basta hindi ko kayang hindi mahiya sayo.” Sagot niya.

Medyo naguluhan ako sa sagot niya pero parang naintidihan ko na rin.


“Ahh.” Sagot ko na lang para kunwari naintindihan ko.


Nasa school na kame at bumaba na sa kotse niya para pumunta na sa school.


“Fred mauna ka na sa room may pupuntahan lang ako.” Palusot ko sa kanya kasi panigurado pag sabay kame
Pumasok sa room e, aasarin na naman kame, ewan ko ba mga baliw kasi mga classmate ko nun.


“O sige.” Sabe niya.


Pumunta ako sa room ni Rob sa second section pero sa ibang stairs ako dumaan para kunwari may pinuntahan talaga ako.


Naglalakad ako sa hallway nasa fifth section palang ako ang ingay na, fourth section, third section hanggang makarating sa second section nagtanong ako sa kilala ko dun sa room tinanong ko kung nandiyan na si Rob pero wala pa daw. Inisip ko na lang na nalate siguro yun ng gising.


Nasa room na ako at pagkalapag ko nang bag ko sa upuan ko ay biglang nagbell na at pumila na kame para magpraktis ng graduation at ito ay aming general praktis para sa graduation para sa sabado dahil wala kaming pasok kinabukasan at kinabukasan nun ay graduation na namin.


Nasa second section na kame para praktisin kung paano magtanggap ng diploma ewan ko ba kung bakit kailangan pang praktisin iyon e, alam na naman namin, at tinawag na si Rob para umakyat sa stage para yun nga umakyat para tanggapin ang false diploma. At umakyat na siya, tiningnan ko lang siya at parang ang saya niya.


Natapos na kami ng praktis at pumunta ako sa canteen para bumili ng tubig at biscuit.


Nagtungo ako sa malaking puno kung saan ako ay palaging kumaen at tumatambay pag hindi pa bell.


“Hayy.” Super lalim nung buntong hininga kong yun habang nakatingin sa mga ulap dahil iniisip ko pari yung bumagabag sa akin.


“Mukang madami kang iniisip a.” may nagsalita pagkatapos kong bumuntong hininga.


“Oo e.” sabe ko at tumingin sa likod ko pero wala naman.

“sino yun?” tanong ko.
--------------------------------
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayari sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.


Saturday, April 30, 2011

Herbie.(part. 5)

    Heyy! I'm back, sorry kung matagal kung bago ako makapag-post kasi pumunta ako sa ParaƱaque city nan dun ako almost two weeks ata?? i guess?? kasi hindi ko bilang yung days. Pero I'm back and I will post of my stories again. And nagkaroon ako ng isang bagong follower sana magustuhan niya 'to. Welcome to my blog.

-------------------------------------

Herbie (part. 5)

Kinabukasan ay ganun na naman ang set up naming ni Rob, magkasabay kame sa pagpasok at pag-uwe hanggang sa madalas na kame magsabay sa pag-pasok at pag-uwe. Sa ganoon kame naging close lalo sa isa’t-isa at para na kaming magboyfriend sa sobrang close namin sa isa’t-isa, dahil dun hindi kame kailangang hindi kame pag-usapan sa school, tingnan mo High school student pa lang may mga tsismiso’t tsismosa na paano pa kaya pag naging kame lalo na. Kaya hindi tuloy makipagsapakan ni Rob sa mga naninira sakin, kaya naman todo support ako sa kanya pag napupunta siya sa prefect of discipline kasi tatlong araw na lang at gagraduate na kami.


Isang araw habang nagbabasa ako sa may malaking puno sa school, sport’s day namin yun kaya naman may freedom kame kung saan pumunta pero hihdi pwedeng lumabas, habang nagbabasa ako may nagtakip ng mata ko akala ko si Rob.


“Rob?” tanong ko.

Mali” sabi nito, “sino naman yun Jonathan Manalastas Valenzuela?” dugtong pa nito, ‘yan tuloy nalaman niyo na ang buong pangalan ko. Hehe.

Sa boses ko siya na-identify.

“kilala ko na!” sabi ko, “Joe Protacio Y Rivera Jr.!” banggit ko ng buo niyang pangalan.

“May tama ka! Grabe a alam na alam!” sabe nito at tinanggal na ang pagkakatakip ko sa mata at tumabi na sa akin.

“Ano ginagawa mo dito? Kelan ka umuwe?Sino kasama mo? Long time no see a! kamusta ka na?” sunod-sunod kong tanong.


“Kakauwe ko lang kagabi galing states. Dapat nga pupuntahan kita pagkauwe ko e, kaso naisip ko na you’re already asleep na kaya pinagpabukas ko na lang! Actually dito na ako magkacollege.” sagot niya sa mga tanong ko.


“A okay, grabe ginulat mo ako!” sabe ko.

Si Joe Protacio Y Rivera Jr. ay kababata ko, yung mga parents namin ay magkaibigan kaya close kame sa isa’t-isa.

“Grabe alam na alam mo pa rin ang buo kong pangalan, sa tagal nating di nagkita ay kala ko kinalimutan  mo na ako!” sabe niya na nakangiti.


“Siyempre parang kapatid na kita eh, maari ba naman kitang kalimutan??” Sabe ko sa kanya, “Almost 8 years mula nung umalis ka ay hindi pa rin kita nakakalimutan noh!”


“Wala ka paring pagbabago CUTE ka pa rin tumangkad ka lang!” sabe niya na nakatitig sa akin at nakangiti ng matamis na matamis.


“Siguro!” sabi ko na gumanti sa kanya ng ngiti, “Lalo na ikaw ang laki na ng pinagbago mo ang gwapo mo na a! Panigurado may GIRLFRIEND ka na niyan!”


“Wala no!” medyo malakas na tono ang boses niya.

“Weeeeeeeh! Di nga?? Sa gwapo mong yan?? Impossible na walang magkakagusto sayo?!” sabe ko sa kanya.


“Promise wala pa!” sabe niya.


“Musta ka naman ?” sabay tanong niya.


“Eto cute pa din!” biro kong sagot sa kanya.


“Mukha nga!” sabe niya sabay tawa kameng dalawa.


“Sige na! Alis ka na! Baka pinapabalik na kames a room kasi 5 mins. Na lang at magbebell na!” sabe ko sa kanya.

“Sige! Sabay na tayo umuwe ah! Kasi kakain tayo sa labas! Ililibre kita” Paanyaya niya sa akin.

“O sige!” pumayag na ako tutal absent naman si Rob.


*RIIIIIIINNNNNGGGGG.


Uwian na at pinuntahan ko na si joe sa labas.

“O! Tara na! So saan tayo kakain?”

“Edi san pa!? Sa paborito mong kainan!”

“Saan?” tanong ko kasi hindi ko na maalala.

“Yung malapit na kainan sa amin! Naku naku ulayanin ka na?”

“AA! Yung karinderya ni ate letty!”

“AA!” sabay tawa, “tara na nga!”

Umalis na kame at nakapunta na nga kame sa karinderya ni ate letty. Ngulat ako ang laki na ng karinder ya niya UMASENSO na si ate letty.

Umupo na kami at umorder ng dalawang tapsilog paborito naming yun ni Joe nung mga bata pa kami, nag-usap kame tungkol sa nangyari sa akin at sa kanya.

Nauna siyng natapos sakin kaya habang kumakaen ako ay tinititigan niya ako kaya gindi ako makakain ng ayos.


“Grabe ka naman makatingin diyan! Ano bang meron sa mukha ko? Baka mainlab ka na sakin niyan!” sabe ko sa kanya.


“Wala! Kase ang cute mo pa din jon!” papuri nito sa akin at nakuli na niya ang mata ko kaya hindi na ako makaalis sa tingin niya, “Wala ka pa ring pinagbago cute, mabait, at palangiti pa rin, tumangkad ka lang!” sabay ngiti.


Nginitian ko lang siya sa mga pinagsasabe niya tapos ay tinapos ko na ang pahkain ko.


“Anlaki na ng pinagbago mo Joe?” sabe ko sabay inom ng tubig.


“Pano mo nasabi?” tanong niya.


“Kasi ang gwapo mo na, nawala na yung pagka-nerdy mo dati.” Sabay tawa ng mahina.


“Siyempre!” sabi at nagmamayabang na tono ang boses.


“Yabang a!” biro kong sabi.


“Bakit?? Ayaw mo ba ang nakikita mong Joe ngayun??” sabi nito na seryoso na ang mukha.


“Siyempre gusto ko noh!” sabe ko sa kanya.


“So!?? Pwede na ako??” tanong niya na seryoso ang mukha.


“Kanino naman?” medyo nagulat ako sa sinabi niya, kinakabahan ako sa sagot niya.

“SAYO!?” sagot niya na super seryoso ang mukha.


SHEEEET. Sabi ko sa sarili ko, parang nabingi ang tenga ko sa nadinig.


“Ano na naman ba yang kalokohan mo?” sabe ko na lang dahil wala na akong masabe sa nadinig ko sa sinabe niya.


“Oo nga! Kung pwede na ako sayo? Kung pwede ako manligaw?” sabi pa niya na walng paligoy-ligoy pa.


“huh? Aa… ee…” wala akong masabi kaya yun na lang ang nasambit ko.


“Okay sige! Hintayin ko na lang yung sagot mo.” Sabi niya.


“Ah… okay.” Sabe ko.


Tara na! Uwe na tayo gabe na oh!” sabe niya at tumayo na kame para pumunta sa kotse niya at para makauwe na kame.


Habang nasa kotse niya ay walang kibuan, walang  ni salitang maririnig sa loob ng kotse hanggang sa makarating na kame sa bahay ko, pababa na ako ng pigilan niya ako at bigla niya akong sinunggaban ng halik sa pisngi.

“Hala! Gago ka ba?” yun na lang ang nasabe ko at bigla kong natakpan ang bibig ko nabigla sa sinabe ko.


Natawa siya ng mahina, “Hindi naman! Bakit?” sabe niya na nakangiti.


“E bakit mo ginawa yun? Bakla ka ba?” sabe ko na nakangiti unti.

“Hindi! Gusto lang kita halikan!” sabe niya na nakangiti pa rin, “Parang sa pisngi lang eh. Buti sana kung sa labi noh!”


“Kahit na!” katwiran ko.


“Okay!” sabe niya.


“Sige na ‘buh-bye’ na!” sabe at bumaba na sa kotse niya.


Nasa gate na ako ng may narinig akong boses.


“Sino yun?” sabe nito.


At parang kilala ko ang boses na yun.
--------------------------------
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayari sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.