Wednesday, May 4, 2011

Herbie (part. 6)

 Sabe na nga ba kay rob galing ang boses na yun.

“O rob ikaw pala? Gabing-gabi na bakit andito ka pa?” bati ko sa kanya.


“Yung tanong ko hindi mo pa sinasagot?” sabi niya na nakunot ang noo.


“A yun ba!? Si joe yun kababata ko!” sabe ko, “ bakit parang galit ka?”


“A so nung mga bata pa pala kayo magkakilala??” tanong niya na medyo tumaas ang boses.


“Oo, bakit ka nagagalit?” tanong ko.


“Bakit kailangan ka pa niya halikan jan sa pisngi mo? Bakit syota mo ba yung ulupong na yun?” tanong niya, “Nakasama mo lang yung ulupong na yun kinalimutan mo na may mahalaga kang pupuntahan ngayon!”


Ngumiti lang ako ng sobra ngiti na kulang umabot hanggang langit dahil sa mga narinig ko.


“O bakit ka ganyan makangiti?” tanong na magkasalubong pa rin ang kilay.


“Tama ba ‘tong naririnig ko at nararamdaman ko? Si Rob Isidro ay nagseselos?” tanong ko na kinikilig pa.


“Hi.. hindi ah! At saka bakit naman ako magseselos dun! E mas gwapo naman ako dun noh!” sabe niya.


“O! Bakit ka defensive at nauutal?” tanong ko na hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.


“Hindi ah!” sabe niya na tumingin sa gawing kaliwa niya.


“Yiiiiiiieeee! Nagseselos ang AKING ROB?” sabe ko at nagulat ako sa sinabe ko kaya bigla kong kinagat ang ibabang labi ko sabay yuko dahil sa huling sinabe ko.


“Totoo ba ang narinig ko ‘AKING ROB’?” tanong niya na inulit pa ang huli kong sabe at umaliwalas ang tono ng boses.


“Ah… Eh…” wala akong masabe dahil nahihiya ako.


“Ibig sabihin niyan mahal mo ko?” tanong niya na nakangiti.


Medyo matagal akong hindi nakapagsalita.


“Ano?” tanong niya dahil hindi ako kumimikibo.


“Ah… eh…” sabe ko at sabay tumango ako.


“Yes!” sigaw niya na parang nanalo sa lotto ang loko.


“Bakit tuwang-tuwa ka?” tanong ko.


“Kasi SINAGOT MO NA AKO!” sabe niya.


“Hala hindi ka pa nga nanliligaw!” sabe ko sa kanya.


“Anu ba yan! Ano pala yung mga paghatid-sundo sayo!? Pag kumakaen tayo sa labas? Ano yun? Hindi pa ba yun panliligaw??” tanong niya.


“Ah yun ba? Hindi eh!” sabe ko.


“Ano ba yan! Ang hirap mo naman ligawan.” sabe niya sabay simangot.


“Ahmmmmmm.. So suko ka na?” tanong ko. “Ganito na lang! Bigyan mo ako ng bagay na makapagpapasaya sa akin!”


“O sige! Ngayon na?” tanong niya na tuwang-tuwa.


“Hindi ah! Bukas ng gabi! Ganitong oras!” sabe ko.


“Ano ba yan! Ang tagal naman!” sabe niya.


“So ayaw mo?!” tanong ko.


“Hindi po! Gusto ko po” sabe niya na parang bata.


“Sige na! Good night na!” sabe ko.


“O sige good night na rin!” sabe niya.

At nang papasok na ako ay bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko at pinigilan ako.

“Bakit?” tanong ko.

“May gusto lang akong gawin!” sabe niya at bigla niya akong hinila papalapit sa kanya

 at hinalikan niya ako sa labi, ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang kamay ko at ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa aking pisngi, napapikit na lang ako sa ginawa niyang iyon at mga 10 seconds rin ang halik na yun pero smack lang. (Bilang na bilang ko pa yun, hehehe.)

----------------------------------


Nasa kwarto na ako at hindi ako makatulog dahil sa ginawa ni Rob kanina, hindi ko akalain na gagawin niya yun. At naalala ko birthday nga pala ni Rob ngayon kaya pala may nakalimutan ako.


“Bukas na bukas din bibilhan ko siya ng regalo. Kinalimutan mo pa kasi e!” bulong ko sa sarili ko.

At nakatulog na ako ng katabi ko si herbie. (Syempre palaging katabe ko aso ko.)


Kinabukasan, Thursday nun, ay ganun pa rin. Kumaen, nagkape, naligo na at hinintay si Rob. Mga 10 minutes na ay wala pa rin si Rob, naisipan ko na lang na umalis na lang at baka hindi na dumating si Rob at malate pa ako. Habang naglalakad ay iniisip ko kung bakit hindi dumating si Rob para sunduin ako at hindi man lang tumawag para sabihin na hindi niya ako masusundo??


“Hayy.” Buntong hininga ko habang naglalakad at napatigil ako dahil may biglang bumagabag sa akin paano kung kame na ni Rob pananatilihin ba naming yun na lihim na relasyon pero mabubunyag at mabubunyag din yun kaya siguro wag ko na lang siyang paasahin na magiging kame parehas kameng lalake kaya there’s no way na pwede kameng magkatuluyan, at hindi ko nalalaman na tumulo na ang aking luha pinunasan ko bigla yun at nagpatuloy na sa paglalakad.


Malapit na ako papunta sa tricycle station at ng may bumusina sakin, nagtaka ako kasi nasa tabi naman ako ng daan kaya tiningnan ko kotse na blue ang bumusina sakin.(favorite color ko.)


Tumigil ako sandali upang tingnan kung sino ang nagdadrive.


“Hi!” bati nito sa akin pagkababa ng bintana ng kotse sa driver seat.


“O Fred! Ikaw pala!” bungad ko sa kanya.


Si Fred ang classmate ko na escort ng section namin parang maidedescribe mo na sa kanya ang tall, dark, and super handsome at hearthrob pa samin, san ka pa? kaya proud kame na nasa section namin siya kasi siya nanalo ng best in escort sa 4th year.


“Sabay ka na?” paanyaya niya.


“Naku wag na! nakakahiya naman!” pahumble kong sabi sa kanya.


“Sige na! Hiya ka pa e!” sabe niya at ngumiti ng matamis na ngiti. Sarap niyang titigan sa ganung itsura.(Anong lasa? hehe.)


“O sige” sabe ko at sumakay na.


Sa kotse ay hindi kame nag-uusap mukhang hiya pa rin ‘to sakin, dahil sa school ay hindi niya ako kinakausap lahat na ata ng classmate ko ay nakausap na niya except lang sakin ‘pag ako naman ang kakausap sa kanya ay saglit lang tapos aalis na din kaya nga inaasar nila to sa akin na may gusto sakin kaya ganun pero hindi naman siya nagagalit ngumingiti lang siya pag inaasar, kaya ako na ang nagsalita.


“Bakit parang nahihiya ka sakin pag kinakausap mo ko?” tanong ko sa kanya.


“Ewan ko ba. Siguro ay nahihiya lang talaga ako. Kasi… basta hindi ko kayang hindi mahiya sayo.” Sagot niya.

Medyo naguluhan ako sa sagot niya pero parang naintidihan ko na rin.


“Ahh.” Sagot ko na lang para kunwari naintindihan ko.


Nasa school na kame at bumaba na sa kotse niya para pumunta na sa school.


“Fred mauna ka na sa room may pupuntahan lang ako.” Palusot ko sa kanya kasi panigurado pag sabay kame
Pumasok sa room e, aasarin na naman kame, ewan ko ba mga baliw kasi mga classmate ko nun.


“O sige.” Sabe niya.


Pumunta ako sa room ni Rob sa second section pero sa ibang stairs ako dumaan para kunwari may pinuntahan talaga ako.


Naglalakad ako sa hallway nasa fifth section palang ako ang ingay na, fourth section, third section hanggang makarating sa second section nagtanong ako sa kilala ko dun sa room tinanong ko kung nandiyan na si Rob pero wala pa daw. Inisip ko na lang na nalate siguro yun ng gising.


Nasa room na ako at pagkalapag ko nang bag ko sa upuan ko ay biglang nagbell na at pumila na kame para magpraktis ng graduation at ito ay aming general praktis para sa graduation para sa sabado dahil wala kaming pasok kinabukasan at kinabukasan nun ay graduation na namin.


Nasa second section na kame para praktisin kung paano magtanggap ng diploma ewan ko ba kung bakit kailangan pang praktisin iyon e, alam na naman namin, at tinawag na si Rob para umakyat sa stage para yun nga umakyat para tanggapin ang false diploma. At umakyat na siya, tiningnan ko lang siya at parang ang saya niya.


Natapos na kami ng praktis at pumunta ako sa canteen para bumili ng tubig at biscuit.


Nagtungo ako sa malaking puno kung saan ako ay palaging kumaen at tumatambay pag hindi pa bell.


“Hayy.” Super lalim nung buntong hininga kong yun habang nakatingin sa mga ulap dahil iniisip ko pari yung bumagabag sa akin.


“Mukang madami kang iniisip a.” may nagsalita pagkatapos kong bumuntong hininga.


“Oo e.” sabe ko at tumingin sa likod ko pero wala naman.

“sino yun?” tanong ko.
--------------------------------
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayari sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.


2 comments:

  1. ow.. nakakalungkot. i think alam ko na ang nangyari..

    anyway, im glad you're back..

    ReplyDelete
  2. yes. im back from the grave hehehe. i will be posting some more. :) thangs for reading my stories.

    ReplyDelete