Wednesday, April 6, 2011

Herbie.(part. 4)

Tinanong ko sarili ko, bakit ako umiyak nung naalala ko si rob? Dahil ba sa hindi pwede maging kami? Ganun ba yun?

“Hayyyy!.” Buntong hininga ko habang nasa nakahiga pa sa kwarto.

Bakit ba kasi ganun na lang ang pakikitungo ni Rob sakin e.

Mga banding tanghali ng martes ay ginala ko si herbie dahil naman sa walang pasok ay ginawa ko iyon at para malibang. At this time, wala si mama nasa cebu para sa work niya, si ate naman ay nasa laguna may outing sila, at si kuya ay umalis para sa O.J.T nila mga balik nila ay sa susunod na lingo pa, wala akong kasama ng matagal. (woohoo)

Habang naglalakad ay napadaan ako kila rob, sa may tapat nila ay may kasama siyang isang napakagandang babae, at tuwang-tuwa silang nag-uusap.

“ano kaya pinag-uusapan nila?” tanong ko sa sarili ko, habang nakatayo malayo sa kanila.

Nakatayo lang ako at biglang napatingin si rob sakin. Nilapitan ako.

“Halika jon! Papakilala kita sa kasama ko” paunlak niya.

“Wag na!” katwiran ko, “saka ginala ko lang naman si herbie kaya napapunta ako dito.” Sabay lakad palayo sa kanila.

Dahil sa nakitang kong ‘yon, nalungkot ako, oo aaminin ko nagseselos ako.

Umuwe ako na may lungkot na dala, syempre nandiyan ang aso ko na kinocomfort ako.
Medyo napawi ang sama ng loob ko dahil kay herbie, at nakatulog ako.

*ding dong.

“Ano aman kaya gusto nun?” sabe ko sa sarili ko. Gabi na pala, naglakad na ako papuntang gate at binuksan ito.

“Hi good evening!?” greet niya sakin na nakangiti at may dalang siomai.

“Bakit rob?” tanong ko na nakasimangot.

“Garbe naman yang salubong mo sakin ganda-ganda ng batik o sayo e, ngumiti ka naman diyan?!” nakatitig lang sa akin.

Pilit ang binigay kong ngiti s kanya.

“Ano ba yan!? Pilit naman yang ngiti mo.” Nakasimangot na siya, “hanap ko si herbie! Kakain kame ng siomai.”

“A, okay eto siya o!” sabi ko at binigay si herbie sa kanya at isinara ang gate. Inipit naman niya ito ng paa, pero nasaktan siya.

“Aray ko!!” sigaw nito, kasi nakaslippers lang naman siya saka napalakas ang sara ko ng gate, napaupo ito sa sakit.

“Hala! Sorry di ko sadya.” Sabe ko at sabay tabi sa kanya na nagsosorry.

“Joke lang!” sabe nito sabay tawa.

“UHMM!” sabay hampas sa noo niya, “loko ka aa!” sabay simangot sa isang tabi.

“Sorry kasi ang sungit mo e at umalis ka kaagad kanina! Bakit ba?” sabe nito na seryoso ang mukha na nagtatanong.

“Kase ginala ko lang nun si herbie saka.. saka..” katwiran ko at hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.

“Saka ano ha?? Selos ka nuh???” sabe nito at nakatitig pa ng pilyo sa akin.

“Hindi a! Saka.. saka.. natatae ako nun!” palusot.com ko sa kanya at nagulat ako sa sinabe ko sabay tingin sa malayo na nahihiya.

“Hmm REASON!!” sabe nito na nakangiti pa at pilyo ang tingin sa akin. Siguro naman kitang kita niya na namumula ang mukha ko.

“Hindi ako selos nun, saka bakit ako magseselos e hindi naman kita gusto at hindi ako bading nuh!” katwiran ko medyo kumirot ang puso ko nung sinabe ko yun sa kanya.

Nagulat talaga ako sa sinabe kong yon kay Rob.


Nakita kong nalungkot siya, tumahimik ang sandaling iyon. Di ko alam kung magsasalita ba ako o tatayo tapos… Basta andame kong gustong gawin, at siya na nga ang unang nag salita.

“Ayy, ganun??” sabe nito na nakayuko.

“Oo ganun nga.”, ano ba tong sinasabe ko?? Bakit kasi ganito siya?? Kainis!. Sabay gumawa na lang ng way para maputol ang katahimikang yon.

“O anu yang dala mo? Mukhang pagkain yan ah!? Tara kainin natin.” Sabe ko


Tumayo siya at binigay ang isang kamay para itayo ako. Pumunta na kami kung palagi akong nandun tuwing gabe para mag stargazing at tingnan ang buwan, at dun kame kumaen ng siomai.

Nakatingin ako sa mukha niya at nakikita ko dun na pinipilit niyang ngumiti kahit na may kirot sa puso niya.

Habang kumakaen ay pagsubo ko ng siomai ay nalaglag iyon, gusto ko sanang pulutin pero pinigilan niya ako.

“Wag madumi nay an!” sabe nito sabay kinuha ang kamay ko.

“Hindi kasi magkakalat pa iyan e, katamad kaya maglinis.”

“A ganun ba, yaan mo ako maglilinis niyan, pero ngayon ubusin mo muna ito.” Sabe niya sabay subo sakin ng siomai sa tingin ko yun yung pinakamalaki.

“Ang sarap naman nun.” Sabe ko.

“Talaga!? Kasi yan ang pinakaespecial diyan at ako nga pala gumawa ng mga siomai na yan.” Proud nitong sabe sa akin na nakatingin sa akin.

“Talaga!? Gaano naman kaespecial?” tanong ko na nakatingin din sa kanya.

“Parang ikaw, ganun kaespecial!” sabe nito at mukhang nagulat sa sinabe nito ay binawe angpagkakatingin at medyo kinagat ang labi nito sa ibaba.

Nagulat ako sa sinabe niya , bakit ganun siya? Tanong ko na lang sa sarili ko at alam ko nakita na namula mukha ko nung sinabe niya iyo sa harap ko.

“Ano nabusog ka ba?” tanong niya sa akin habang nililigpit ang pinagkainan naming dalawa.

“Oo naman, ang sarap nga e.” papuri ko sa kanya.

“Sige na ako na magliligpit niyan, umuwe ka na baka hinahanap ka na sa inyo.” Sabe ko sa kanya sabay agaw sa kanya ng walis.

“Okay!” sabe nito at binigay sa akin ang walis.

Hinatid ko siya sa hanggang gate lang.

“Good night sleepy head! Sleep tight a!” sabe nito at nakangiti ng malaki.

“O sige na goodnight na rin.” Sabe ko sa kanya sabay ganti ng malking ngiti pero may kasamang puso. (HONGLANDEEE!)


Nagulat na lang ako ng biglang sinabe niya

“okay have a pleasant dream, and I’ll be dreaming of you tonight.” Sabe nito.

“ANO!?” tanong ko nakangiti

“AHH, wala!” sabay ngiti .

“okay” yan na lang ang sinabe ko at di niya alam narinig ko iyon.

“Ahmm, jon?” tanong nito na nahihiya pa.

“O ano na naman ?” sabe ko.

“Ah wala. Good night na lang” sabe nito at sumakay na ng motor niya.

Pumasok na ako sa amin at pumunta na ng kwarto ko.

“Hayy.” Ang malalim ko na naming buntong hininga na malakas din pero nakangiti.

At natulog na ako ng may bakas na ngiti sa mukha.


->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayare sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

And don’t forget to follow.

1 comment:

  1. I already posted your blog on my blog list. I hope you will have more readers and followers.

    ReplyDelete