Saturday, April 2, 2011

Herbie.(part. 2)

Kinabukasan, sabado ng umaga, naisipan kong gumising ng maaga para hanapin si herbie. Pumunta ako sa lugar kung siya nawala at may nakita akong isang bahay na malaki at maganda kulay blue ang mga walls nito, pinuntahan ko iyon para magtanong kung meron silang nakitang aso.

*dingdong.

Nagdoorbell ako at may lumabas naman na tao, katulong nila kase nakaumiporme pa ito, nagtanong ako kay ate.

"Ate, may nakita ba kayong aso dito na goldish ang kulay?" tanong ko kay ate.

"ayy, oo, nakita ng anak ng amo ko e. sa'yo ba yun?" paliwanag niya.

"talaga po, patingin naman po nung aso?" tuwa kong sabe kay ate.

"saglet lang ah, kukunin ko lang, kung gusto mo pumasok ka na rin." sabe ni ate.

At pumasok naman ako sinundan ko si ate, mukhang malaki ang bahay "Up&Down" nga e, nakarating kame sa likod-bahay nila.

"saglit lang a, kunin ko lang dun." sabe ni ate sa akin.

"sige po." sabe ko naman.

Nagulat ako paglabas ni ate ay si herbie nga ang tinutukoy niya at lumapit para kunin si herbie.

Nag-usap muna kame ni ate, tinanong ko kung saan nila nakita si herbie? at sino ang nakakita sa kanya?

"ate, sino po nakakita sa aso ko ?" tanong ko kay ate kabang nagluluto ng almusal nila.

sabe niya habang nagluluto.,"si Rob yung alaga ko, fourth year high school na isya nag-aaral sa T.I(tanauan institute), nakita niya yan nung nasa labas siya habang naglilinis ng bike at motor niy, lumapit nga yang aso mo sa kanya e, kwento ni Rob sakin".

"ah! pakisabi naman po sa kanya salamat." sabi ko kay ate na nakangiti, parang may naaalala akong pangalang rob nung grade 2 ako.

"o sige sabihin ko sa kanya. Ntutlog pa kasi rob e, siguro mga alas-dyis pa yun magigising."

"a ganun po ba", sabe ko kay ate habang iniikot ang aking mata sa bahay.

"kung gusto mo dito ka na kumaen ng almusal?" paanyaya ni ate.

"nako wag na po, nakakahiya naman po" pa-humble kong sabe.

"Gue na, wala naman yung mga amo ko dito maagang umalis pumunta ng bohol para sa hacienda nila. saka kame lang naman ni Rob ang tao dito e." paliwanag ni ate at pilit akong pinapa-oo ni ate.

"sige na nga po!" sabe ko kay ate na nakangiti, kung sa bagay gutom na rin ako.

"wait lang a, ano ba pangalan mo? at san ka naman nakatira?" tanong ni ate sakin.

"a-ako po?, ako po si Jon nakatira diyan sa may pink na bahay malapit sa factory ng kikiam" paliwanag ko kay ate.

"a, ako nga pala si jocie..." pakilala ni ate, nang maputol ang sinasabe niya kasi may biglang bumaba na lalaki. mukhang ito si Rob.

"ate jocie, may almusal na po ba?" tanong nung lalaking bumaba, at napatingin sa akin at sa aso kasi hawak ko ito.

"ikaw ba may -ari ng asong yan?" tanong ni rob habang papalapit sa akin.

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niyang iyon, kasi nakatingin ako sa makisig niyang katawan, mukhang nagbubuhat ito, at napababa ang tingin ko, aba! malaki ang nakabukol sa harap!, nakaboxer lang kasi siya.

"uyy!" sigaw ni rob na kinukuha ang atensyon ko.

Napailing muna ako at sumagot ng,"Oo!"


Natanong ko sa sarili ko, bakita ganito ang nararamdaman ko?, umiinit ang aking katawan at parang nagkagusto ako sa lalakeng 'to.

"alam mo parang nakita na kita sa school noon?" at nilapit ang mukaha niya sa mukha ko.

Napayuko na lang ako sa ginawa niya, "NOON" inulit ko yung sinabe niya.

"oo, noon, nung grade 2 pa ako nun" sabe niya na nakatingin pa rin s mukha ko.

"Hindi pa no!" biro ko sa kanya.

"Oo kaya!" sabe niya na nakangiti at nakititig pa rin sa mukha ko pero medyo malayo sa sa mukha ko.

"nung grade pa ako nun!?" dugtong pa niya.

"A talaga." yan na lang ang nasabe ko na nakatingin sa lapag.

"sige na po ate jocie, rob alis na po ako kasi baka hinahanap na ako ng nanay ko." paalam ko sa kanila.

"ayy, teka muna kala ko ba payag ka na dito na mag-almusal, diba?" pagpigil ni ate sa pag-alis ko.


"Sige na! 'Yaw ni ate na tinatanggihan ang grasya." biro ni rob na pumunta ng cr.

"ah, sige na nga po." kahiya naman diba kung tanggihan pa ang grasya saka gutom na rin ako.


Nag-ayos na si ate jocie ng hapag kainan at kumaen na kamen, katabi ko nun si rob habang kumakain.


"Naalala kita nun, sinasabe ng mga teacher samin iyakin ka daw nun sa section 1 nung grade 2." sabe sakin ni rob habang kumakaen kame.

"pano mo nalaman?" tanong ko na medyo nahihiya.


"kase section two ako nun madalas magkwento samen yung advieser niyo nun." palieanag niya na nakatingin at nakangiti sa akin.

"Ah!" yan na lang ang nasabe ko, naalala ko na! siya yung cute na bata sa section 2 at sinasabe samin ng teacher na magaling s math, pero ngayon "SHEEEET !", ang na niya ngayon.


Tnanong niya rin kung saan ako nakatira? saan ako nag-aaral?, dahil katabe ko siya. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya, doon ko lalo napagtanto na super gwapo at ang aliwalas ng mukha niya.  TEKA! ano ba tong nararamdaman ko sa kanya? nahulog na ba ang loob ko sa kanya ng ganun na lang? BADING na ba ako? yan ang gumugulo na tanong sa isip ko habang kumakaen kame.


Pagkatapos namen kumaenay nagpaalam na ako.

"Sige ate jocie at rob uwe na ako kasi hinahanap na ako ng nanay ko." paalam ko sa kanila.

"Sige pero ihahatid kita may motor naman ko diyan eh, saka marameng aso dito baka habulin at kagatin ka lalo na may dala ka pang aso." paliwanag ni rob.

"Mabuti nga" singit pa ni ate jocie.

"Naku wag na po nakakahiya naman!" pa-humble kong sabe kay Rob.

"I insist, ihahatid na kita! Diyan ka lang kukuha lang ako ng damit" pumunta na ng kwarto niya si Rob para kumuha ng damit.

Pagkababa niya ay nakasuot na ito ng itim na sando, lalong naging kaakit-akit ang katawan nito kasi hapit sa kanya ang sando at kita ang korte ng katawan.

Sumakay na kame sa motor niya at  dun ko naamoy ang kanyang "manly scent" ika nga, grabe ang bango at nakaka-inlab.

"SHEET!" bulong ko sa sarili ko.

At nakarating na kame ng bahay at nagpasalamat na ako kay Rob pagkababa.

"sige Rob, salamat ulit ha!" sabe ko sa kanya habang nakahawak sa aso ko.

"Your welcome." sabe nito na may kasabay na matamis na ngiti at nakatitig lang sa akin.

Nginitian ko na rin siya pabalik, at umalis na pauwe.

Pumasok na ako sa loob at tumakbo papunta sa loob ng kwarto ko.

At ibinagsak ang katawan ko sa kama ko.

Tinanong ko uli ang sarili ko, ano ba itong nararamdaman ko? Ano to? Bading na ba ako? Ito na ang tintawag na "love at first sight"?

Pero di pwede ako magkagusto sa kapa lalake ko, diba? sa tanong na iyon ay bigla akong nalungkot.


" SHEEEEEEET! " sigaw ko sa kwarto ko, sabay buntong hininga.

===================================================
->Hanggang dito muna ang kwento ko. subaybayan lang ninyo ang susunod na mangyayare sa akin.

*kung may feedback o suggestion ay mangyari nalamang na magcomment sa kin at lubos ko pong tatanggapin.

1 comment:

  1. di ba we're friends? I have some pointers, comments and suggestions for you. Can you email me at seanelijahorly@yahoo.com?

    ReplyDelete